Nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang siya ay dumating sa Meccah,Kapag hinawakan niya ang haliging itim-sa unang pagsasagawa niya ng Tawaf-naglalakad ng mabilisan sa tatlong ikot

Nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang siya ay dumating sa Meccah,Kapag hinawakan niya ang haliging itim-sa unang pagsasagawa niya ng Tawaf-naglalakad ng mabilisan sa tatlong ikot

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa.-Siya ay nagsabi:(( Nagsagawa ng Hajj na Tamattu` ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hajj ng pamamaalam,sa pamamagitan ng pagsabay ng Umrah sa Hajj at nag-alay siya ng Hadiy [hayop na kakatayin],Isinama niya sa kanya ang mga Hadiy na nagmula pa sa Zul Hulayfah,At nagsimula ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsimula ng Umrah,pagkatapos ay nagsimula ng Hajj.Kaya nagsagawa ng Tamattu` ang mga tao kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsimula sila ng Umrah para sa Hajj.Kabilang sa mga tao ang nag-alay ng Hadiy`,dala-dala nila ang Hadiy mula pa sa Zul-Hulayfah,at ang iba ay hindi nag-alay ng Hadiy,At nang dumating ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sinabi niya sa mga tao; Sinuman ang nag-alay ng hadiy,tunay na hindi ipinapahintulot ang anumang bagay na ipinababawal sa kanya,hanggat hindi niya Natapos ang pagsasagawa niya ng Hajj,At sinuman ang hindi nakapag-alay ng Hadiy,ay magsagawa ng Tawaf sa Bahay ni Allah,at sa Safa at Marwah,magpagupit at magpahintulot,Pagkatapos ay magsimula sa pagsasagawa ng Hajj at mag-alay ng Hadiy,Sinuman ang walang kakayahan sa pag-alay ng Hadiy,ay mag-ayuno ng tatlong araw sa [oras ng] pagsasagawa ng Hajj,at pitong araw ,kapag nakabalik na sa pamilya niya,Nagsagawa ng Tawaf ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang dumating siya sa Meccah,at hinawakan nito ang haligi bago ang anumang gawain,pagkatapos ay nagsagawa ng mabilisang paglalakad sa unang tatlong tawaf mula sa pitong tawaf,at naglakad [ng normal] sa apat nito.at nagsagawa siya ng dalawang tindig na pagdarasal pagkatapos niyang isagawa ang tawaf sa Bahay [ni Allah] sa Maqam ni [Propeta Ibrahim],Pagkatapos ay umalis siya at pumunta sa Safa,At nagsagawa ng tawaf sa Safa at Marwah ng pitong beses ,pagkatapos ay hindi niya ipinahintulot ang lahat ng bagay na ipinagbawal sa kanya hanggang sa natapos niya ang pagsasagawa ng Hajj,At kinatay nito ang Hadiy niya sa Araw ng pagkatay,at nagsagawa ng Tawaf na Ifadah sa Bahay [ni Allah],pagkatapos ay ipinahintulot niya ang lahat ng bagay na ipinagbawal sa kanya,at Gumawa ng sinumang nakapag-alay ng Hadiy,at nagdala ng Hadiy mula sa mga tao-ang tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-)) (( Nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang siya ay dumating sa Meccah,Kapag hinawakan niya ang haliging itim-sa unang pagsasagawa niya ng Tawaf-naglalakad ng mabilisan sa tatlong ikot))

[Tumpak] [napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya]

الشرح

Nang lumabas ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Zul-Hulayfah." Miqat ng taga Madinah" upang magsagawa ng Hajj nito na pamamaalam sa Bahay [ni Allah],at mga agawain sa Hajj,Nagpaalam siya rito sa mga tao,at ipinarating niya sa kanila ang kanyang mensahe at pinasaksihan niya ito sa kanila,Nagsagwa siya ng Ihram-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-para sa Umrah at Hajj,Ito ay [pagsasagawa ng] Qiran,at ang Qiran ay Tamattu`,Kaya nagsagawa ng Tamattu` ang mga tao kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang ilan sa kanila ay nagsagawa ng Ihram kasabay ang dalawang gawain [ Ang Umrah at Hajj],At ang ilan sa kanila ay nagsagawa ng Ihram para sa Umrah na may kasamang intensiyon sa pagsasagawa ng Hajj ,pagkatapos nyang isagawa ito,at ang ilan sa kanila ay nagsagawa ng Hajj lamang,Pinapili sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa tatlong pamamaraan na ito.At nagdala siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang ilan sa mga kasama niya ng Hadiy mula sa Zul Hulayfah.at ang ilan ay hindi nakapagdala nito,At nang malapait na sila sa Meccah,Hinimuk ang mga hindi nakapagdala ng Hadiy mula sa mga nagsasagawa ng Mufrid at Qarin na ipalawang bisa ang [intensiyon nilang pagsasagawa ng] Hajj at palitan ito ng Umrah,At nang makapagsagawa sila ng Tawaf at Sa`ye,Sinigurado niya sa kanila na sila ay magpapagupit ng buhok nila at at magpahintulot mula sa gawain nilang Umrah,Pagkatapos ay magsasagawa ng [panibagong] Ihram para sa pagsasagawa ng Hajj at mag-aalay sila ng Hadiy,Upang magampanan nila ang dalawang pamamaraan [Umrah at Hajj] sa isang paglalakbay lang. Sinuman ang walang kakayahan sa pag-alay ng Hadiy,Nararapat sa kanya na mag-ayuno ng sampung-araw,Tatlo sa araw mismo ng pagsasagawa ng Hajj,at magsisimula ang oras nito sa pagsasagawa niya ng Ihram para sa `Umrah,at pitong araw kapag naka-uwi na siya sa kanyang pamilya.At nang dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Meccah-humawak siya sa Haligi nito,nagsagawa siya ng Tawaf ng pitong beses,Nagsagawa ng mabilisang paglalakad para sa [unang] tatlo,dahil sa ito ay Tawaf pagkatapos ng pagdating,At naglakad siya sa apat.Pagkatapos ay nagdasal siya ng dalawang tindig sa Maqam ni Propeta Ibrahim,Pagkatapos ay pumunta siya sa Safa,nagsagawa siya ng tawaf sa pagitan ng Safa at Marwah ng pitong beses,tumatakbo sa pagitan ng dalawang palatandaan at naglalakad sa iba nito.Pagkatapos ay hindi siya nagpahintulot mula sa Ihram niya hanggat hindi niya natapos ang pagsasagawa ng Hajj niya,At kinatay nito ang pang-alay niya Hadiy,sa araw ng Pagkatay,At nang matapos siya sa pagsasagawa niya ng Hajj,at nakapagbato siya sa Jamratu Aqabah,kinatay nito ang Hadiy niya at inahit niya ang buhok niya sa Araw ng pagkatay,Ito ang unang pagpapahintulot,Nagsagawa siya ng Tawaf na Ifadah sa Bahay [ni Allah],nagsagawa siya ng Tawah rito,pagkatapos ay nagpahintulot na siya sa lahat ng bagay na ipinagbawal sa kanya,hanggang sa mga babae,At ginawa nang sinumang nagdala ng Hadiy mula sa mga kasamahan niya-ang tulad nito.

التصنيفات

Ang Paglalarawan sa Ḥajj