إعدادات العرض
1- Ipinag-utos niya sa mga tao,na ang maging huling pagtatagpo nila ay sa Tahanan [ng Allah],subalit hindi niya isinali rito ang babaing may regla
2- Nagpaalam si Al-`Abbas bin Abdul Muttalib sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na matulog sa Meccah sa gabi ng Mina,upang magsagawa ng Siqayah [para sa mga nagsagawa ng Hajj],ipinahintulot ito sa kanya
3- Tumayo siya na ang Ka`bah ay nasa bandang kaliwa niya at ang Mina ay nasa bandang kanan niya;Pagkatapos ay sinabi niyang:Ito ang lugar kung saan ay ipinahayag sa kanya ang Surah Al-Baqarah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
4- papaano ang kalagayan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay maglakad luluwas (mula sa Arafah)? Sabi niya: Siya ay magpalatag o hindi makipagsiksikan, at kung makakita siya ng maluwag na espasyo ay magmadali o magpabilis siya
5- Nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang siya ay dumating sa Meccah,Kapag hinawakan niya ang haliging itim-sa unang pagsasagawa niya ng Tawaf-naglalakad ng mabilisan sa tatlong ikot
6- O Sugo ni Allah! Ano ang nangyari sa mga tao,nagsagawa sila ng tahallul sa umrah kahit na hindi ka pa nagsagawa ng tahallul sa iyong umrah, Nagsabi siya: Sapagkat tunay na hinigpitan ko ang [buhok sa] aking ulo at linagyan ko ng kwentas ang aking hayop na pang-alay [bilang palatandaan],kaya`t hindi ako magsasagawa ng tahallul hanggat hindi ako makapag-katay
7- Ang mga bagay na ito ay naitakda ni Allah para sa mga babaing Anak ni Adam,Gawin mo ang anumang ginagawa ng Nagsasagawa ng Hajj,maliban sa Tawaff [Pag-ikot] sa Tahanan ni Allah,hanggang sa ikaw ay maging dalisay