papaano ang kalagayan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay maglakad luluwas (mula sa Arafah)? Sabi niya: Siya ay magpalatag o hindi makipagsiksikan, at kung makakita siya ng maluwag na espasyo ay magmadali o magpabilis siya

Mula kay Urwah Bin Az-zubair ay nagsabi: ((natanong si Usamah Bin Zaid-at ako ay nakaupo- papaano ang kalagayan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay maglakad luluwas (mula sa Arafah)? Sabi niya: Siya ay magpalatag o hindi makipagsiksikan, at kung makakita siya ng maluwag na espasyo ay magmadali o magpabilis siya)).

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Si Usamah Bin Zaid -Malugod si Allah sa kanilang dalawa- ay kaangkas ng Sugo -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- mula Arafah papuntang Muzdalifah. Sa makatuwid siya ang lubos na nakakaalam patungkol sa paglalakbay ng Sugo -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at naitanong siya sa katangian nito, sabi niya: Mejo may kabilisan kaunti, ibig sabihin mejo may kaluwagan at hindi makisiksikan sa karamihan, nang sa ganon hindi siya makakapinsala sa iba, at kapag makakita siya ng espasyo na walang tao ay pakilusin niya ang kanyang sinakyan at magmadali kaunti; dahil walang pinsala sa kanyang pagmamadali na iyon.

التصنيفات

Ang Paglalarawan sa Ḥajj