Kapag nagpa-alam sa isa sa inyo ang asawa nito na pumunta sa Masjid,ay huwag niya itong pigilan.Nagsabi siya:Sinabi ni Bilal bin Abdullah.Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila;Nagsabi siya:Lumapit sa kanya si Abdullah,at minura niya ito ng matinding pagmumura,hindi ko siya narinig na…

Kapag nagpa-alam sa isa sa inyo ang asawa nito na pumunta sa Masjid,ay huwag niya itong pigilan.Nagsabi siya:Sinabi ni Bilal bin Abdullah.Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila;Nagsabi siya:Lumapit sa kanya si Abdullah,at minura niya ito ng matinding pagmumura,hindi ko siya narinig na nagmura ng tulad nito kailanman,at nagsabi siya:Ipinahayag ko sayo na ito ay buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sasabihin mong:Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila

Ayon kay Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na Marfuo-(( Kapag nagpa-alam sa isa sa inyo ang asawa nito na pumunta sa Masjid,ay huwag niya itong pigilan.Nagsabi siya:Sinabi ni Bilal bin Abdullah.Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila;Nagsabi siya:Lumapit sa kanya si Abdullah,at minura niya ito ng matinding pagmumura,hindi ko siya narinig na nagmura ng tulad nito kailanman,at nagsabi siya:Ipinahayag ko sayo na ito ay buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sasabihin mong:Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila?)) At sa ibang pananalita:(( Huwag ninyong pigilan ang mga alipin(babae) ni Allah sa mga Masjid ni Allah))

[Tumpak] [napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya]

الشرح

Isinalaysay ni Ibn Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:Kapag nagpaalam sa isa sa inyo ang asawa nito na pumunta sa Masjid ay huwag niya itong pigilan,upang hindi niya ito mapagbawalan sa kainaman ng Jama`ah(pagsabay sa pagdasal ng karamihan)sa Masjid,at dito ay pagpapahayag sa panuntunan ng paglabas ng babae sa Masjid upang magdasal,na ito ay pinapahintulutan.At ang sa mga anak ni Abdullah bin Umar ay nasa kasalukuyan habang nangyari ang Hadith na ito,at tunay na nakita nito sa kapanahunan na nag-iba sa kapanahunan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa pagpapaluwag sa mga kababaihan sa pagpapaganda,kaya`t napunta ito sa pagselos sa pagpapanitili sa mga kababaihan,hanggang sa nasabi niya-na walang layunin na pagtutol sa ipinapahintulot -:Isinusumpa ko sa Allah,pipigilan namin sila-Kung kaya`t ang pagkakaintindi ng ama niya sa pananalita niya, na siya ay tumutotol-dahil sa sagot na ito- sa Sunnah ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t napunta ito sa pagkagalit niya para sa Allah at sa Sugo niya,hanggang sa minura niya ito nang matinding pagmumura.At nagsabi siya: Ipinahayag ko sayo na ito ay buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sasabihin mong:Isinusumpa ko sa Allah,na pipigilan namin sila?

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito, Ang mga Kahatulan Para sa mga Babae