Sino itong nanunumpa sa Akin na hindi Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako ay nagpatawad na sa kanya at nagpabagsak sa gawa mo.

Sino itong nanunumpa sa Akin na hindi Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako ay nagpatawad na sa kanya at nagpabagsak sa gawa mo.

Ayon kay Jundub bin Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May nagsabing lalaki: Sumpa man kay Allāh, hindi magpapatawad si Allāh kay Polano. Kaya nagsabi si Allāh: Sino itong nanunumpa sa Akin na hindi Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako ay nagpatawad na sa kanya at nagpabagsak sa gawa mo." Sa isang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah: Ang nagsasabi ay isang lalaking mananamba. Nagsabi si Abū Hurayrah: "Nagsalita siya ng isang pangungusap na nagpahamak sa Mundo niya at Kabilang-buhay niya."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ipinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa anyo ng pagbibigay-babala laban sa panganib ng dila, na may isang lalaking sumumpa na si Allāh ay hindi magpapatawad sa isa pang lalaking nagkasala. Para bang ito ay humatol kay Allāh at nagmarunong sa Kanya dahil sa hindi ito naniwala sa sarili nito sa taglay ni Allāh na katangiang mapagbigay, mapagkaloob, at mataas na kalagayan, at dahil sa pag-ukol sa nagkasala ng panghahamak. Ito ay isang pagyayabang kay Allāh at isang kasamaang asal sa Kanya. Ipinataw Niya sa lalaking iyon ang kasawian at kalugihan sa Mundo at Kabilang-buhay.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagsasalita at Pananahimik