إعدادات العرض
O Abā Dharr,Ikaw ay mahina,at ito ay Amānah [Pagtanggap ng mga tungkulin at pagsunod kay Allah],At sa Araw ng Pagkabuhay, ito ay kadustaan at pagsisisihan,maliban sa sinumang tumanggap nito na siya ay karapat-dapat dito,at isinakatuparan niya ang anumang nararapat sa kanya rito
O Abā Dharr,Ikaw ay mahina,at ito ay Amānah [Pagtanggap ng mga tungkulin at pagsunod kay Allah],At sa Araw ng Pagkabuhay, ito ay kadustaan at pagsisisihan,maliban sa sinumang tumanggap nito na siya ay karapat-dapat dito,at isinakatuparan niya ang anumang nararapat sa kanya rito
Ayon kay Abē Dharr-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi-Nagsabi Ako: O Sugo ni Allah!Hindi mo ba ako itatalagang pinuno?Pinalo niya sa Kamay niya ang balikat ko,pagkatapos ay sinabi niyang:(( O Abā Dharr,Ikaw ay mahina,at ito ay Amānah [Pagtanggap ng mga tungkulin at pagsunod kay Allah],At sa Araw ng Pagkabuhay, ito ay kadustaan at pagsisisihan,maliban sa sinumang tumanggap nito na siya ay karapat-dapat dito,at isinakatuparan niya ang anumang nararapat sa kanya rito))
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Français ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Русский Tiếng Việtالشرح
Ipinapaalam ni Abu Dharr na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbigay sa kanya ng pangaral patungkol sa pamumuno at pamamahala rito,At ito ay naganap nang hilingin niya-malugod si Allah sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na italaga siya sa pamamahala,Nagsabi sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"Ikaw ay mahina",At ang salitang ito,ay may uri na [dapat maging] malakas, subalit ang pagtitiwala ay kinakailangan ihayag sa tao sa katangian mayroon sa kanya;Kapag siya ay malakas,siya ay malakas,at kapag siya ay mahina,siya ay mahina.At dito ay pinapatunayan na kinakailangan sa pamumuno, na ang tao ay maging malakas at mapagkakatiwalaan, Sapagkat ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabing : "at ito ay Amānah [Pagtanggap ng mga tungkulin at pagsunod kay Allah]",Kapag siya ay malakas at mapagkakatiwalaan,ito ang mga katangian na karapat-dapat na maging pinuno at tagapamahala,At kapag ito ay malakas subalit hindi mapagkakatiwalaan,o di kaya`y mapagkakatiwalaan subalit mahina,o mahina na hindi mapagkakatiwalaan;ang tatlong uri na ito,hindi nararapat sa [sinumang] nagtatangi nito na maging pinuno.At alinsunod dito,tunay na ang itatalagang pinuno ay ang malakas,sapagkat siya ay higit na pakikinabangan ng mga tao,Ang sangkatauhan ay nangangailangan ng kapangyarihan at lakas,at kapag wala sa kanya ang lakas lalo na kapag mahina sa pananampalataya,mawawalan ng saysay ang lahat ng mga bagay.Ang Hadith na ito ay pangunahing batayan sa pag-iwas sa mga pamamahala,lalong-lalo na sa sinumang may kahinaan sa pagsasagawa ng [kanyang] panunungkulan sa pamamahala,At ang kadustaan ag pagsisisihan na nabanggit sa Hadith,sa pagkasabi niya: " At ito sa Araw ng Pagkabuhay ay kadustaan at pagsisisihan" ito ay para sa sinumang hindi nararapat sa kanya [ ang pagiging pinuno],o naging karapt-dapat siya subalit hindi siya naging makatarungan dito;Dudustain siya ni Allah sa Araw ng Pagkabuhay,at isisiwalat ang kanyang kahihiyan,at magsisisi siya sa kanyang pang-aabuso.Subalit, sinuman ang naging karapat-dapat sa pamamahala at naging makatarungan rito;ay hindi mapapabilang sa kaparusahang ito;Kung-kaya`t, ang marangal na Propeta ay hindi ito isinali,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "maliban sa sinumang tumanggap nito na siya ay karapat-dapat dito at isinakatuparan niya ang anumang nararapat sa kanya rito" ang sinuman ang tumanggap nito na siya ay karapat-dapat dito,mapapasakanya ang dakilang kainaman,na siyang ipinapahiwatig sa iba pang tumpak na mga Hadith;tulad ng: Pitong [klase ng tao] pasisilungin ni Allah,At ang Hadith na: Ang mga matuwid [sa panunungkulan],ay nasa Minbar [mataas na kinalalagyan] mula sa liwanag,at ang iba pa rito.