إعدادات العرض
Naalala ko ang tipak ng ginto sa amin,kinamumuhian ko na maging abala ako [ sa pag-iisip nito],kaya ipinag-utos kong ipamahagi ito
Naalala ko ang tipak ng ginto sa amin,kinamumuhian ko na maging abala ako [ sa pag-iisip nito],kaya ipinag-utos kong ipamahagi ito
Ayon kay `Uqbah bin Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya.-sinabi niya: Nagdasal ako sa likod ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Asar sa Madinah,Nagsagawa siya ng Taslim pagkatapos ay nagmadaling tumayo,pinutol niya ang [linya ng mga tao] sa kanyang pagdaan,sa pagpunta sa mga bahay ng mga asawa niya,Nangamba ang mga tao sa pagmamadali niya,lumabas siya sa kanila,at nakita niyang nagulat sila dahil sa pagamadali niya,Nagsabi siya: ((Naalala ko ang tipak ng ginto sa amin,kinamumuhian ko na maging abala ako [ sa pag-iisip nito],kaya ipinag-utos kong ipamahagi ito)) at sa isang pananalita: ((Naiwan ko sa bahay ang tipak ng ginto na pangkawang-gawa,kinamumuhian ko na manatili ito sa pagtulog ko))
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Ayon kay `Uqbah bin Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya.-Siya ay nagdasal kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang araw ng Asar,Tumayo ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos niyang magdasal,ng mabilisan; pinutol niya ang [linya ng mga tao] sa kanyang pagdaan,sa pagpunta sa mga bahay ng mga asawa niya,Nangamba ang mga tao dahil dito,Pagkatapos ay lumabas siya at nakita niya ang mga tao na nagulat dahil dito,Ipinaliwanag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanila ang dahilan nito.At sinabi sa kanila na naalala niya ang isang bagay na yari sa ginto ngunit hindi pa ito napalo,at nararapat itong hatiin.Kinamumuhian niyang maging hadlang ito sa kanya at maging abala ang pag-iisip niya rito,para sa pagharap at pagsusumamo sa Allah-Pagkataas-taas Niya.