Angkan ng Salamah, manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo; manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo [papuntang Masjid].

Angkan ng Salamah, manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo; manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo [papuntang Masjid].

Ayon kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya: "Ninais ng Angkan ng Salamah na lumipat sa malapit sa Masjid at nakarating iyon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay sinabi niya sa kanila: 'Tunay na nakarating sa akin na kayo ay nagnanais na lumipat sa malapit sa Masjid?' Nagsabi sila: 'Opo, o Sugo ni Allāh, ninais nga namin iyon.' Nagsabi siya: 'Angkan ng Salamah, manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo; manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo [papuntang Masjid].''' Sa isang sanaysay: "Tunay sa bawat hakbang [papuntang Masji] ay may isang antas [ng gantimpala]."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy ng tulad nito - Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: Na ang angkan ng Salamah ay nagnais na lumipat mula sa mga tahanan nila na malayo sa Masjid papunta sa mga pook na malapit sa Masjid. Ayaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na maalisan ng populasyon ang Madīnah, gaya ng sanaysay ni Al-Bukhārīy, at ang nais niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay matirahan ito upang lumaki ang tingin sa mga Muslim ng mga mata ng mga Munāfiq at mga Musrhik sa paglawak ng Madīnah. Pagkatapos ay tinanong niya sila: "Tunay na nakarating sa akin na kayo ay nagnanais na lumipat sa malapit sa Masjid?" Nagsabi sila: "Opo, o Sugo ni Allāh, ninais nga namin iyon." Nagsabi ang sabi ng Sugo ni Allāh,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "...manatili kayo sa mga tahanan ninyo, isusulat ang mga bakas ninyo;...'' Sinabi niya ito nang dalawang ulit at nilinaw sa kanila na magkakamit sila sa bawat hakbang ng [gantimpala sa] isang magandang gawa o isang antas. Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ang pinakamalaki sa inyo sa gantimpapa ay ang pinakamalayo sa inyo ang bahay [sa masjid]." Sinabi: "Bakit Abū Hurayrah?" Nagsabi siya: "Alang-alang sa dami ng mga hakbang." Isinaysay ito ni Mālik sa Al-Muwaṭṭa' numero 33. Kaya sa tuwing nalalayo ang ang tirahan sa masjid, dahil doon ay may karagdagan sa kalamangan sa mga antas at may paglalaglag ng mga masagwang gawa. Naisasakatuparan lamang ang kalamangang ito kapag nagsagawa ng wuḍū' sa bahay, nilubus-lubos ang wuḍū', naglakad at hindi sumakay; maging iyon ay kakaunti lamang. Ibig sabihin: Maging ang mga hakbang ay kakaunti o marami, tunay na isusulat para sa kanya sa bawat hakbang ang dalawang bagay: mag-aangat sa pamamagitan nito ng isang antas at maglalaglag sa pamamgitan nito ng isang kasalanan. Ayon sa isang lalaki sa mga kasamahan ng Propeta,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang isa sa inyo at hinusayan niya ang pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos ay lumabas ito para magdasal, sa tuwing iaangat niya ang kanang paa niya, magsusulat si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, para sa kanya ng isang magandang gawa; at tuwing ilalapag niya ang kaliwang paa niya, magbabagsak si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, mula sa kanya ng isang masagwang gawa. Lumapit man ang isa sa inyo o lumayo [sa masjid]." Isinaysay ito ni Abū Dāwud (56) at itinuring na tumpak ito ni Shaykh Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Abī Dāwud (3/97) bilang 572. Ayon kay Ibnu `Abbās, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Pinuntahan ako ng Panginoon ko, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa pinakamagandang anyo - ipinagpapalagay ko na tinutukoy niya na habang natutulog. Sinabi Niya: O Muḥammad, nalalaman mo kung tungkol sa ano ang pinagtatalunan ng Kataas-taasang Kasama? Sinabi ko: Opo; nagtatalo sila tungkol sa mga panakip-sala at mga antas. Nagsabi Siya: Ano ang mga panakip-sala at ang mga antas? Nagsabi siya: Ang pananatii sa masjid pagkatapos ng mga dasal, ang paglalakad papunta sa mga pagtitipon [sa pagdarasal], at ang paglulubos sa wuḍū' sa mga mahirap na sandali..." Isinaysay ito ni Aḥmad sa numero 3484 at itinuring na tumpak ito ni Shaykh Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaghīr wa Ziyādatuhu (1/72). Nagpatunay iyon na ang pagkamit ng mga antas ay naisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng sumusunod: 1. Ang pagpunta sa masjid nang may ṭahārah; 2. Ang pag-asang gagantimpaalan batay sa ḥadīth: "Ang mga gawain ay ayon lamang sa mga layunin at ukol lamang sa tao ang nilayon niya" (Napagkaisahan ang katumpakan); 3. Na lalabas ng bahay nang walang layunin sa paglabas kundi ang sumadya sa masjid; 4. Ang paglalakad at ang hindi pagsakay maliban kung may dahilan. Ngunit kapag ang tao ay may dahilan [na hindi maglakad], walang masama na pumunta sakay ng kotse. Ang hakbang ng kotse ay isang ikot ng gulong nito kapag umikot ang mga gulong nito ng isang ikot. Ito ay isang hakbang dahil sa mga pag-ikot nito umaangat ang nakadiit sa lupa, pagkatapos ay iikot hanggang sa bumalik ang ikalawa sa lupa. Ito ay gaya ng pag-angat ng paa mula sa lupa. Pagkatapos ay ilalagay sa lupa muli. Kaya kapag ang tao ay may dahilan [na hindi maglakad], walang masama na pumunta sakay ng kotse. Ito rin ay bahagi ng mga kalamangan ng paglalakad papunta sa mga masjid; si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay magsusulat para sa tao ng [mga gantimpala ng] mga hakbang sa tuwing pupunta at sa tuwing uuwi.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito