إعدادات العرض
Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,pinahintulutan Niya ito na gugulin sa karapat-dapat,At isang lalaking pinagkalooban ni Allah ng karunungan,Siya ay humahatol rito at nangangaral.
Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,pinahintulutan Niya ito na gugulin sa karapat-dapat,At isang lalaking pinagkalooban ni Allah ng karunungan,Siya ay humahatol rito at nangangaral.
Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: ((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,pinahintulutan Niya ito na gugulin sa karapat-dapat,At isang lalaking pinagkalooban ni Allah ng karunungan,Siya ay humahatol rito at nangangaral.)) At ayon kay Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa;Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi :((Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay: Isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng Qur-an,siya ay gumaganap rito sa tuwing gabi at araw,at isang lalaki na pinagkalooban ni Allah ng kayamanan,Siya ay gumugugol rito sa tuwing gabi at araw))
[Tumpak] [napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdîالشرح
Ipinapaliwanag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-rito na ang pagka-inggit ay may magkakaibang uri,Kabilang rito ang masamang pagka-inggit at ito ay ipinagbabawal sa Batas ng Islam,ito ay ang pangangarap ng isang tao na maglaho ang biyaya sa kanyang kapatid.At ang ipinapahintulot na pagkainggit; Ito ay kapag nakakita siya ng makamundong biyaya sa iba,at papangarapin niya sa sarili niya na magkaroon siya tulad nito,At ang mabuting pagkainggit,at kainam-inam sa Batas ng Islam,ito ay kapag nakakita siya ng makamundong biyaya sa iba,at papangarapin niya na magkaroon siya nito sa sarili niya,at ito ang sinadyang [banggitin] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sinabi niyang: "Walang nararapat na kaiinggitan maliban sa dalawang bagay" Ibig sabihin ang pagkainggit ay may magkakaibang uri at panuntunan,batay sa pagkakaibang uri nito,at hindi ito magiging kainam-inam sa Batas ng Islam,maliban sa dalawang bagay:Ang una:Kapag mayroon isang lalaking mayaman at may takot sa Allah,Pinagkalooban siya ni Allah ng mabuting kayamanan,ginugugol niya ito sa landas ni Allah-pagkataas-taas Niya,at papangarapin nito na siya ay maging katulad niya,at kina-iinggitan niya ang biyayang ito.Ang pangalawa:Kapag mayroon isang lalaking may kaalaman,pinagkalooban siya ni Allah ng kaalaman na kapaki-pakinabang at isinasagawa niya ito,at itinuturo niya ito sa iba,at humahatol siya rito sa pagitan ng mga tao,pinapangarap niya na siya ay maging katulad niya