إعدادات العرض
Utusan ninyo si Abū Bakr at mamuno siya sa dasal sa mga tao.
Utusan ninyo si Abū Bakr at mamuno siya sa dasal sa mga tao.
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Noong tumindi sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang hapdi niya, sinabihan siya hinggil sa pagdarasal kaya nagsabi siya: "Utusan ninyo si Abū Bakr at mamuno siya sa dasal sa mga tao." Nagsabi si `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Abū ay lalaking banayad; kapag bumigkas siya ng Qur'ān, dinadaig siya ng pag-iyak." Nagsabi siya: "Utusan ninyo siya at mamuno siya sa dasal." Sa isang sanaysay ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ako: "Tunay na si Abū Bakr, kapag tumayo siya sa kinatatayuan mo, ay hindi makapagpaparinig sa mga tao dahil sa pag-iyak."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Noong tumindi ang hapdi sa Sugo ni Allāh, malugod si Allāh sa kanya, hindi niya nagawang mamuno sa mga tao sa dasal. Inutusan niya ang nasa piling niya na utusan si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, na mamuno sa mga tao sa dasal. Si Abū Bakr ay madalas maiyak sa sandali ng pagbigkas ng Qur'ān kaya ipinagpaumanhin ni `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, iyon subalit [nahihiwatigan] sa ḥadīth ng paksa na hindi ang pag-iyak ni Abū Bakr sa pagbigkas ng Qur'ān ang unang layon ni `Ā'ishah, bagkus ang tinutumbok niya ay ang takot na magmasamang-pangitain ang mga tao sa ama niya kaya ipinakita niya, malugod si Allāh sa kanya, ang taliwas sa inililihim niya sa kaloob-looban niya. Sa isang sanaysay sa Ṣaḥīḥ Muslim: Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, walang anuman sa akin maliban sa pagkasuklam na magmasamang-pangitain ang mga tao sa kauna-unahan sa tatayo sa kinatayuan ng Sugo ni Allāh." Nagsabi pa siya: "Kaya sinangguni ko sa kanya nang dalawang ulit o tatlo ngunit nagsabi siya: 'Mamuno sa mga tao sa dasal si Abū Bakr sapagkat tunay na kayo ay mga babaing nakasama ni [Propeta] Jose." Ang tinutukoy ng "mga babaing nakasama ni Jose" ay "tunay na sila ay tulad ng mga babaing nakasama ni Jose sa pagpapakita ng salungat sa nasa kaloob-looban." Ang pakikipag-usap na ito, kahit pa man sa pananalitang pangmaramihan, ay tumutukoy sa iisa. Ito ay si `Ā'ishah lamang gaya ng tinutukoy ng "mga babaing nakasama ni Jose" na si Zulaykhā lamang - ganito ang sinabi ni Al-Ḥāfiđ - ang maybahay ni Potifar ng Ehipto ng panahong iyon. Ang anyo ng pagkakawangis sa pagitan ni `Ā'ishah at Zulaykhā roon ay na si Zulaykhā ay nagpatawag sa mga babae at nagpakita sa kanila ng pagpaparangal sa pamamagitan ng pagtanggap bilang mga panauhin ngunit ang tinutumbok niya ay karagdagan doon: na mapagmasdan nila ang kakisigan ni Jose at pagpaumanhinan nila siya sa pag-ibig niya; si `Ā'ishah naman ay nagpakitang ang dahilan ng pagnanais niyang ilayo ang pamumuno sa dasal sa ama niya ay dahil sa hindi maririnig ng mga pinamumunuan sa dasal ang pagbigkas nito ng Qur'ān dahil sa pag-iyak nito gayong ang tinutumbok niya ay karagdagan doon: na hindi magmasamang-pangitain ang mga tao kay Abū Bakr. Ito ay tahasang ipinahayag niya ayon sa ilan sa mga landas ng ḥadīth sapagkat nagsabi siya: "Walang nagtulak sa akin sa pag-ulit sa kanya maliban sa hindi sumagi ko sa puso ko na makaiibig ang mga tao matapos niya sa isang lalaking tatayo sa kinatatayuan niya..."