إعدادات العرض
ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, at uminom siya. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto.…
ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, at uminom siya. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto. Nagsabi siya: "Ang kanan, kasunod ang kanan."
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, at uminom siya. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto. Nagsabi siya: "Ang kanan, kasunod ang kanan."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdîالشرح
Dinalhan ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng gatas na hinaluan na ng tubig, habang sa gawing kanan niya ay may isang lalaking kabilang sa mga Arabeng disyerto at sa gawing kaliwa niya ay si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya. Uminom ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pagkatapos ay ibinigay niya sa Arabeng disyerto at kinuha naman nito ang sisidlan at uminom, gayong si Abū Bakr ay higit na mainam kaysa sa Arabeng disyerto subalit itinangi ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil ito ay nasa gawaing kanan niya. Nagsabi siya: "Ang kanan, kasunod ang kanan." Nangangahulugan ito: "Unahin ninyo at ibigay ninyo sa kanan, pagkatapos ay sa kanan."