Tunay na ang Muslim, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang Muslim, ay hindi matitigil sa pamimitas sa Paraiso hangang sa makauwi siya.

Tunay na ang Muslim, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang Muslim, ay hindi matitigil sa pamimitas sa Paraiso hangang sa makauwi siya.

Ayon kay Thawbān, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Tunay na ang Muslim, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang Muslim, ay hindi matitigil sa pamimitas sa Paraiso hangang sa makauwi siya." Sinabi: "O Sugo ni Allah, ano po ang pamimitas sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Ang pangunguha ng bunga roon."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang ḥadīth ayon kay Thawbān, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang Muslim, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang Muslim - ibig sabihin: sa pagkakasakit nito - ay hindi matitigil sa pamimitas sa Paraiso" Sinabi: "O Sugo ni Allah, ano po ang pamimitas sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Ang pangunguha ng bunga roon." Nangangahulugan ito na siya ay mamimitas ng mga bunga ng Paraiso sa panahon ng pananatili niya sa piling ng maysakit na ito. Iwinangis ang tatamuhin ng dumadalaw sa maysakit sa gantimpala ng matatamo ng namimitas ng bunga. Sinabi: Ang ninanais ipakahulugan nito rito ay ang daan. Ang kahulugan ay na ang dumadalaw ay naglalakad sa daang humahantong sa Paraiso. Ang unang paliwanag ay higit na malapit. Ang pananatili sa piling ng maysakit ay nagkakaiba-iba ayon sa pagkakaiba-iba ng mga kalagayan at mga tao. Maaaring ang pananatili sa maysakit ay maging hinihiling at maaari ring ito ay hindi maging hinihiling. Kapag nalamang ang maysakit ay natutuwa sa dumadalaw na ito at iniibig niyang tumagal ito sa piling niya, ang pinakamainam ay tumagal ito. Kapag naman nalamang ibig ng maysakit na padaliin ng dumadalaw ang dalaw, tunay na ito ay hindi dapat magtatagal. Sa bawat katayuan ay may ibang masasabi.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagdalaw sa Maysakit