Hindi ba kayo nakaririnig? Hindi ba kayo nakaririnig? Tunay na ang pagsusuot ng lumang damit ay bahagi ng pananampalataya.

Hindi ba kayo nakaririnig? Hindi ba kayo nakaririnig? Tunay na ang pagsusuot ng lumang damit ay bahagi ng pananampalataya.

Ayon kay Abū Zayd Umāmah Iyās bin Tha`labah Al-Anṣārīy Al-Ḥārithīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Binanggit ng mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang araw sa piling niya ang makamundong buhay kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ba kayo nakaririnig? Hindi ba kayo nakaririnig? Tunay na ang pagsusuot ng lumang damit ay bahagi ng pananampalataya."

[Maganda dahil sa iba pa rito] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Nagsalita ang isang pangkat mula sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa makamundong buhay kaya nagsabi sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ba kayo nakaririnig", na nangangahulugang: makinig kayo. Inulit-ulit niya para bigyang-diing tunay na ang pagpapakumbaba sa kasuutan at gayak ay bahagi ng mga kaasalan ng mga may pananampalataya at ang pananampalataya ay ang nag-uudyok doon.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri