Dumating sa akin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dadalaw sa akin sa taon ng hajj ng pamama-alam,dahil sa pagtindi ng sakit sa akin.sinabi ko sa sugo ni Allah,umabot na ako mula sa matinding sakit na nakikita mo,at ako ay nag-aari ng maraming kayamanan,at wala akong…

Dumating sa akin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dadalaw sa akin sa taon ng hajj ng pamama-alam,dahil sa pagtindi ng sakit sa akin.sinabi ko sa sugo ni Allah,umabot na ako mula sa matinding sakit na nakikita mo,at ako ay nag-aari ng maraming kayamanan,at wala akong tagapag-mana maliban sa nag-iisang anak na babae,ipag-kakawang-gawa koba ang dalawang-tatlong bahagi ng kayamanan ko?Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko: Ang kalahati nito O Sugo ni Allah?Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko: ang tatlong bahagi nito?Nagsabi siya: oo ang tatlong bahagi nito,at ang tatlong bahagi ay marami na; At katotohanan sa iyo na ang pag-iwan mo sa mga tagapagmana mong mayayaman ay mas mainam sa pag-iwan mo sa mga pamilyang namamalad sa mga tao, at wala kang gugugulin mula sa iyong kawang-gawa na hinahangad ang kaluguran ni Allah maliban sa ginagantimpalaan ito,kahit ang ginagawa mo sa asawa mo.Nagsabi siya:Sinabi ko O Sugo ni Allah,maiiwan ba ako ng mga kasamahan ko?Nagsabi siya:Hinding-hindi ka maiiwan,at makakagawa ka ng gawain na hinahangad mo ang kaluguran ni Allah maliban sa madadag-dagan dahil dito ang iyong antas at kadakilaan.At Marahil kung ikaw man ay maiiwan ngunit makikinabang dahil sa iyo ang mga tao at mapipinsala dahil sa iyo ang mga iba O Allah pangyarihin mo para sa mga kasamahan ko ang paglikas nila at huwag mo silang pabalikin sa mga pinagdaanan nila ngunit ang sawi ay so Sa'd bin Khawlah (Nagluksa para sa kanya ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na namatay ito sa Makkah.

Ayon kay Saad bin Abe Waqqas-malugod si Allah s kanya-nagsabi siya:dumating sa akin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dadalaw sa akin sa taon ng hajj ng pamama-alam,dahil sa pagtindi ng sakit sa akin.sinabi ko sa sugo ni Allah,umabot na ako mula sa matinding sakit na nakikita mo,at ako ay nag-aari ng maraming kayamanan,at wala akong tagapag-mana maliban sa nag-iisang anak na babae,ipag-kakawang-gawa koba ang dalawang-tatlong bahagi ng kayamanan ko?Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko: Ang kalahati nito O Sugo ni Allah?Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko: ang tatlong bahagi nito?Nagsabi siya: oo ang tatlong bahagi nito,at ang tatlong bahagi ay marami na; At katotohanan sa iyo na ang pag-iwan mo sa mga tagapagmana mong mayayaman ay mas mainam sa pag-iwan mo sa mga pamilyang namamalad sa mga tao, at wala kang gugugulin mula sa iyong kawang-gawa na hinahangad ang kaluguran ni Allah maliban sa ginagantimpalaan ito,kahit ang ginagawa mo sa asawa mo.Nagsabi siya:Sinabi ko O Sugo ni Allah,maiiwan ba ako ng mga kasamahan ko?Nagsabi siya:Hinding-hindi ka maiiwan,at makakagawa ka ng gawain na hinahangad mo ang kaluguran ni Allah maliban sa madadag-dagan dahil dito ang iyong antas at kadakilaan.At Marahil kung ikaw man ay maiiwan ngunit makikinabang dahil sa iyo ang mga tao at mapipinsala dahil sa iyo ang mga iba O Allah pangyarihin mo para sa mga kasamahan ko ang paglikas nila at huwag mo silang pabalikin sa mga pinagdaanan nila ngunit ang sawi ay so Sa'd bin Khawlah (Nagluksa para sa kanya ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na namatay ito sa Makkah.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagkasakit si Saad Bin Abe Waqqas-malugod si Allah sa kanya-sa hajj na pamaa-alam ng matinding sakit at natakot siya sa tindi nito sa kamatayanDinalaw siya ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan tulad ng naka-ugalian niya sa pagdalaw sa kanyang mga kasamahan at bilang pagpapagaan niya ito sa kanila.Binanggit ni Saad sa propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mula sa kanyang kalagayan na inakala niya na dahil dito ay papayagan siya na magkawanggawa ng marami mula sa kayamanan nito.Nagsabi siya:O sugo ni Allah,katotohanan na mas lumalala pa sa akin ang sakit na siyang kinatatakotan ko sa kamatayan,at ako ay nagmamay-ari ng maraming kayamanan,at wala sa akin ang tagapagmana na mahihirap na dapat kung katakotan sa kanila ang tindi ng kahirapan at kapahamakan.maliban sa nag-iisa kung anak na babae,pagtapos nito,maari kobang ipagkawanggawa ang dalawa sa tatlong bahagi ng aking kayamanan bilang pagbibigay ko sa mga mabuti kung gawain?Nagsabi ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:huwag,Sinabi ko: Ang kalahati nito o sugo ni Allah?:Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko:Ang tatlong bahagi nito?Nagsabi siya:Walang hadlang sa pagkawanggawa ng tatlong bahagi ngunit ito parin ay marami,ang pagbaba nito maliban dito tulad ng ika-apat na bahagi at ika limang bahagi ay mas mainam Pagkatapos ay ipinaliwanag ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:ang layunin sa pagpababa ng halaga sa pagbigay ng kawanggawa mula sa pinakamarami nitong kayamanan hanggang sa pagbaba nito ay dahil sa dalawang bagay:1) Na kapag siya ay namatay at naiwan niya ang mga tagapagmana niya na mayayaman,na nagtatamalas ito sa kabutihan nito at sa kayamanan nito,at iyon ay mas mainam kaysa ilabas niya ito sa ibang tao.,at hahayaan niya sila na mamuhay sa paggawa ng kabutihan sa mga tao.2)O di kayay mananatili ito at matatagpuan ang kayamanan nito,at gugugulin niya ito sa pamamaraan ng batas ni Allah at mag iintensiyon siya sa pagkamit ng gantimpala mula kay Allah at gagantimpalaan siya dahil doon,kahit sa mga obligado nitong paggugugulan tulad ng pagpapakain niya sa asawa nito.Pagkatapos ay natakot si Saad bin Abe Waqqas na pumanaw sa Meccah na kung saan ay pinaglikasan niya ito ay iniwanan bilang paghangad sa kaluguran ni Allah -pagkataas taas Niya,-at mababawasan dahil doon ang gantimpala ng paglikas nito Ipinahiwatig sa kanya ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na hinding-hindi siya maiiwan ng sapilitan sa lugar na pinaglikasan nito,makakagawa siya dito ng gawain bilang paghahangad sa gantimpala kay Allah maliban sa madadag-dagan dahil dito ang antas niya,Pagkatapos ay binalitaan siya ng maganda-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-patungkol sa siya ay mapapagaling sa kanyang karamdaman,at makakapagbigay siya ng kabutihan kay Allah sa mga mga mananampalataya,at makakapinsala siya sa mga taong walang pananampalataya.at tulad ng sinabi ng pinakatapat ng mga matapat na siya ay gagaling sa kanyang karamdaman at naging pinakamataas na pinuno sa pakikipaglaban sa Persia,at nakapagbigay siya kay Allah ng kabutihan sa Islam at sa mga Muslim at nanalo siya mga pakikipaglaban,at nakapagbigay siya kay Allah ng pinsala sa mga taong nagtatambal at mga walang pananampalataya,Pagkatapos ay humiling ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa lahat ng kasamahan niya na maisapatupad sa kanila ang mga mataas na antas nila,at naway tanggapin sa kanila ang mabubuting gawain,at hindi sila maibabalik sa kanilang dating relihiyon o sa lugar na kanilang pinaglikasan,at tinanggap ni Allah ito sa kanila,at tunay na sa Kanya ang nararapat na papuri at pasasalamat at ang papuri ay sa Allah lamang na nagtaas sa kanila sa Islam.Pagkatapos ay binanggit niya si Saad bin Khawlah at siya ay kabilang sa mga Muhajireen na silang naglikas mula sa Meccah ngunit si Allah ay itinadhana niya na mamamatay siya doon, at namatay siya doon,(Nagluksa para sa kanya ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:na ibig sabihin ay nagluksa siya sa pagkamatay nito sa meccah,at katotohanan na kinamumunghian nila sa mga naglikas na mamatay sa lupa na pinaglikasan nila.

التصنيفات

Ang Huling Tagubilin