إعدادات العرض
O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagkamit ng isang lupain sa Khaybar. Hindi ako nagkamit ng isang ari-arian kailanman na higit na mamahalin para sa akin kaysa roon. Ano ang ipag-uutos mo sa akin doon?" Nagsabi ito: "Kung loloobin mo, panatilihin mo ang kabuuan niyon at magkawanggawa ka sa…
O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagkamit ng isang lupain sa Khaybar. Hindi ako nagkamit ng isang ari-arian kailanman na higit na mamahalin para sa akin kaysa roon. Ano ang ipag-uutos mo sa akin doon?" Nagsabi ito: "Kung loloobin mo, panatilihin mo ang kabuuan niyon at magkawanggawa ka sa pamamagitan niyon."
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagkamit nga si `Umar ng isang lupain sa Khaybar at pinuntahan niya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, upang sangguniin hinggil doon. Nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagkamit ng isang lupain sa Khaybar. Hindi ako nagkamit ng isang ari-arian kailanman na higit na mamahalin para sa akin kaysa roon. Ano ang ipag-uutos mo sa akin doon?" Nagsabi ito: "Kung loloobin mo, panatilihin mo ang kabuuan niyon at magkawanggawa ka sa pamamagitan niyon." Sinabi: "Kaya nagkawanggawa siya sa pamamagitan niyon gayon pa man hindi ipagbibili ang kabuuan niyon, hindi ireregalo, at hindi mamanahin." Sinabi: "Kaya nagkawanggawa si `Umar sa mga maralita, sa mga kaanak, sa [pagpapalaya ng] mga alipin, sa landas ni Allāh, sa kinapos sa landas, at panauhin. Walang sala sa tagapag-alaga niyon na kumain mula roon ayon sa kalakaran, o magpakain ng isang kaibigan, nang hindi nagkakamal dahil doon.
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdîالشرح
Nagkamit nga si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, ng isang lupain sa Khaybar, na ang sukat ay isandaang sahm (729 metro kwadrado), na pinakamahal sa mga ari-arian niya para sa kanya dahil sa kainaman nito at kahusayan nito. Sila noon, malugod si Allāh sa kanila, ay nag-uunahan sa pagkamit ng mga matuwid na gawaing mananatili. Pumunta si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa pagmimithi sa kabutihang nabanggit sa sabi ni Allāh (Qur'ān 3:92): "Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuting-loob malibang gugugol kayo mula sa naiibigan ninyo." Sinasangguni niya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa katangian ng pagkakawanggawa niyon alang-alang sa ikalulugod ng Mukha ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Pinayuhan siya nito ng pinakamagaling sa mga paraan ng mga pagkakawanggawa. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kabuuan niyon at ilalaan ito para sa kawanggawa. Ginawa ni `Umar iyon at naging kaloob iyon kaya hindi magagawang ipagbili o iregalo o manahin o iba pa roon na mga uri ng magagawa, na bahagi ng kahihinatnan ay malipat ang pagmamay-ari o maging isang dahilan ng pagkakalipat nito. Nagkakawanggawa sa pamamagitan niyon sa mga maralita at mga dukha, sa mga kaanak at mga kapamilya, pagbili mula roon ng mga alipin bilang pagpapalaya sa pagkaalipin, pagbabayad ng mga diyah (blood-money) para sa mga karapat-dapat, pag-alalay sa mga nakikibaka sa landas ni Allāh upang itaas ang salita Niya at panagumpayin ang Relihiyon Niya, pagpapakain sa manlalakbay na kinapos sa gugulin niya sa hindi niya bayan, at pagpapakain mula roon sa panauhin din sapagkat ang pagpaparangal sa panauhin ay bahagi ng Pananampalataya kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Dahil iyon ay may pangangailangan sa mangangasiwa at mag-aalaga sa pamamagitan ng pagpapatubig at paglinang, at kaalinsabay ng pag-alis ng sagabal at kasalanan sa sinumang kumakalinga niyon, maaaring kumain ito mula roon ayon sa kalakaran. Kakain ito ng kakailanganin niya at mapakakain nito mula roon ang isang kaibigan, nang hindi kumukuha mula roon ng anumang lumalabis sa pangangailangan sapagkat iyon ay hindi inilaan malibang para sa paggugol sa mga paraan ng kabutihan at pagmamagandang-loob hindi para sa pagkamal at pagpapayaman.التصنيفات
Ang Waqf