Tinapos ng `iddah ang taning nito; alukin mo siya ng kasal sa kanya.

Tinapos ng `iddah ang taning nito; alukin mo siya ng kasal sa kanya.

Ayon kay Az-Zubayr bin Al-`Awwām, malugod si Allāh sa kanya, siya noon ay kasal kay Umm Kulthūm bint `Uqbah. Nagsabi ito sa kanya habang ito ay nagdadalang-tao: "Pasayahin mo ang sarili ko sa pamamagitan ng isang diborsiyo." Diniborsiyo niya ito nang isang diborsiyo. Pagkatapos ay pumunta siya sa dasal at bumalik siya noong nagsilang na ito kaya nagsabi siya: "Ano ang nangyari sa kanya? Nilinlang niya ako. Linlangin siya ni Allāh!" Pagkatapos ay dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "Tinapos ng `iddah ang taning nito; alukin mo siya ng kasal sa kanya."

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

الشرح

Si Az-Zubayr bin Al-`Awwām noon ay kasal kay Umm Kulthūm bint `Uqbah. Nagsabi ito sa kanya habang ito ay nagdadalang-tao: "Pasayahin mo ang sarili ko sa pamamagitan ng isang diborsiyo." Nangangahulugan ito: Ipasok mo sa akin ang tuwa sa pamamagitan ng iisang pagdidiborsiyo. Ang mahahalata ay na ito ay hindi umiibig sa kanya at ninanais nitong lumabas sa poder niya sa isang paglabas na hindi niya makakayang balikan ito. Kaya hiniling nito sa kanya na diborsiyuhin niya ito ng iisang diborsiyo noong naramdaman nito ang nalalapit na panganganak nito at nalaman nitong ang `iddah ng nagdadalang-tao ay hanggang sa pagsilang ng dinadala nito. Diniborsiyo naman niya ito nang isang diborsiyo. Pagkatapos ay pumunta siya sa dasal at nakabalik siya noong nakapagsilang na ito kaya nagsabi siya: "Ano ang nangyari sa kanya? Nilinlang niya ako. Linlangin siya ni Allāh!" Ang panlilinlang ay kabilang sa mga katangiang magagawa ni Allāh, pagkataas-taas Niya, subalit Siya ay hindi inilalarawan sa pamamagitan nito sa paraang lubusan. Hindi ipinahihintulot ang pagpapakahulugan nito sa pamamagitan ng sabi nilang ang ninais ni Az-Zubayr sa sabi niyang ito ay gantihan iyon ni Allāh sa panlilinlang niyon. Bagkus kinakailangang pagtibayin ang katangiang ito gaya ng iba pa rito na mga katangian ni Allāh, pagkataas-taas Niya, nang walang paglilihis sa kahulugan, pag-aalis sa kahulugan, nang walang pagpapaliwanag sa kahulugan, at walang pagtutulad. Pagkatapos ay pumunta si Az-Zubayr sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ipinabatid niya ang nangyari sa kanya at maybahay niya. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tinapos ng `iddah ang taning nito." Nangangahulugan ito: Nakalipas ang `iddah na itinakda bago ang inaasahang pagkalubos nito at naganap ang diborsiyo. Pagkatapos ay nagsabi pa ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "alukin mo siya ng kasal sa kanya." Nangangahulugan ito: Maging isa ka sa mga nag-aalok ng kasal; wala kang karapatan sa sarili niya dahil sa pagkalabas niya sa `iddah.

التصنيفات

Ang Diborsiyong Nakababalik at Nagpapahiwalay