Tunay na ang tubig ay hindi nagiging junub.

Tunay na ang tubig ay hindi nagiging junub.

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Naligo ang isa sa mga maybahay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, mula sa batya. Dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, upang magsagawa ng wuḍū’ mula roon o maligo kaya nagsabi ito sa kanya: "O Sugo ni Allah, tunay na ako kanina ay junub." Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na ang tubig ay hindi nagiging junub."

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Ang isa sa mga maybahay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay naligo noon dahil sa pagiging junub. Dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, upang magsagawa ng wuḍū’ o maligo. Ninais niyang gamitin ang tubig na natitira sa ipinampaligo ng maybahay niya, malugod si Allah sa kanya at ipinabatid naman nito na ito kanina ay nasa pagiging junub. Pinatnubayan niya ito na ang tubig na iyon ay hindi naapektuhan niyon sa pagiging dalisay na ipinandadalisay.

التصنيفات

Ang mga Patakaran ng Tubig