إعدادات العرض
1- Kami noon ay ang pinakamarami sa Anṣār sa mga sakahan at kami noon ay nagpapaupa ng lupain sa kundisyon ukol sa amin ito at ukol sa kanila iyan. Marahil umani ito at hindi umani iyan. Ipinagbawal niya sa amin iyon. Tungkol naman sa pilak, hindi niya kami pinagbawalan.
2- Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakipagkasunduan sa mga mamamayan ng Khaybar kapalit ng kalahati ng tumutubo mula roon na bunga o pananim.
3- Tinanong ko si Rāfi` bin Khudayj tungkol sa pagpapaupa ng lupa kapalit ng ginto at pilak at nagsabi ito na walang masama rito.