إعدادات العرض
1- Ipinag-utos sa akin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na gawin ko ang kamelyo niya;at ipagkawang-gawa ko ang laman nito at balat nito at umbok nito,at ang hindi ko bigyan ang nagkatay nito kait kaunti
2- Nagregalo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang beses ng tupa
3- Binaluktot ko ang kwintas ng hayop [na kakatayin bilang pag-alay] ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay linagyan ko ito ng palatandaan at sinabitan niya ng kwintas o sinabitan ko ito ng kwintas-pagkatapos ay ipinapadala niya ito sa Ka`bah,at naninirahan siya sa Madinah.Hindi niya ipinagbawal sa kanyang [sarili] ang mga bagay [na ipinagbabawal sa taong nasa kalagayan ng ihram] na sa kanya ay ipinahintulot
4- Katotohanang ang Propeta ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng isang lalaking humihila ng kamelyo;Nagsabi siya: Sumakay ka rito,Nagsabi siya: Ito ay kamelyo,Nagsabi siya :Sumakay ka rito.Nakito ko siyang nakasakay dito at tinatabihan [sa paglalakbay] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
5- Kung hindi lamang nauna ko itong gawin,tunay na hindi ko ito babawiin; Hindi ako mag-aalay, kung hindi lamang mayroon akong pang-alay, tunay na ako ay nagtanggal na ng ihrām.