May pumuntang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, naging karapat-dapat ako sa isang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin."

May pumuntang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, naging karapat-dapat ako sa isang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin."

Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: May pumuntang isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, naging karapa-dapat ako sa isang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin." Sumapit ang pagdarasal at nagdasal ito kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at noong natapos ang dasal ay nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay naging karapat-dapat sa isang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin ayon sa Aklat ni Allāh." Nagsabi siya: "Dumalo ka ba sa dasal kasama namin?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Napatawad ka na."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

May dumating na isang lalaki at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nakagawa ng isang bagay na isinatungkuling iparusa ang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin. Ang ḥadd, ang ibig sabihin nito ay ang kahatulan ni Allāh. Nagsabi si Anas: "Hindi niya tinanong ito tungkol doon" ay nangangahulugang hindi tinanong ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang lalaki tungkol sa kung ano ang kinakailangang patawan ng ḥadd? Sinasabi: dahil siya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, ay nakaalam na sa pagkakasala nito at kapatawaran dito sa pamamagitn ng pagsisiwalat [ni Allāh]. Sumapit ang pagdarasal at nagdasal ito kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, Ibig sabihin: ang isa mga dasal o ang `aṣr. Noong naisagawa niya ito at lumisan, tumindig ang lalaki at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay naging karapat-dapat sa isang ḥadd kaya ipatupad mo po ito sa akin" Ibig sabihin: "[ipatupad] sa panig ko" Ang [ayon sa] Aklat ni Allāh ay nangangahulugang kahatulan ni Allāh mula sa Qur'an at Sunnah. Ang kahulugan: Gumagawa ako ng napatunayan sa kalagayan ko na pinapatawan ng ḥadd o iba pa. Nagsabi siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ba nagdasal ka na kasama namin?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay nagpatawad na sa iyo sa pagkakasala mo o sa ḥadd sa iyo. May pagdududa mula sa tagasanaysay sa dahilan ng ḥadd. Ang ibig sabihin ng ḥadd ay ang kaparusahang sumasaklaw sa pagkastigo, at maipakakahulugan din ng iba pa. Hindi ibig sabihin dito ng ḥadd ang teknikal na kahulugan nito gaya ng pangangalunya at pag-inom ng alak. Ito ay pinapatawan ng itinakdang parusa. Ang kadahilanan kung bakit siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi nagtanong dito tungkol doon ay dahil may nalaman siyang isang uri ng dahilan para rito. Hindi niya tinanong ito upang hindi maipatupad dito iyon yamang kung sakaling naipaalam nito sa kanya talagang kakailanganing ipatupad iyon sa kanya kahit pa man nagsisisi na siya dahil ang pagsisisi ay hindi nagpapawalang-saysay sa mga kaparusahan maliban sa parusa sa mandarambong sa daan dahil sa isang talata ng Qur'an at gayon din ang hadd sa pangangalunya ng isang dhimmīy kapag yumakap ito sa Islām. Maging ano pa man, walang pahayag sa ḥadīth na ang pagdarasal ay nagtatakip-sala sa isang malaking kasalanan. Bagkus kung sakaling inobliga iyon kailangang ipakahulugan ito ayon sa naunang ijmā`.

التصنيفات

Ang Pagbabalik-loob