إعدادات العرض
Nagsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya: Ako ay kasama ng lingkod Ko kapag naalaan niya Ako at gumalaw dahil sa Akin ang mga labi niya.
Nagsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya: Ako ay kasama ng lingkod Ko kapag naalaan niya Ako at gumalaw dahil sa Akin ang mga labi niya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Nagsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya: Ako ay kasama ng lingkod Ko hanggat umalaala siya sa Akin at gumalaw dahil sa Akin ang mga labi niya."
[Tumpak dahil sa iba pa rito] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy bilang Mu'allaq - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Hausa Kurdî Portuguêsالشرح
Ang ḥadīth ay nagpapatunay na ang sinumang umaalaala kay Allah, si Allah ay magiging malapit sa kanya at magiging kasama niya sa lahat ng mga kapakanan niya. Si Allah ay magtatama sa kanya, gagabay sa kanya, tutulong sa kanya, at tutugon sa panalangin niya. Ang kahulugan ng ḥadīth na ito ay nasaad sa isa pang ḥadīth sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Nagsasabi si Allah: Ako ay ayon sa palagay ng lingkod Ko sa Akin at Ako ay kasama niya kapag naalaala niya Ako. Kaya kung inalala niya Ako sa sarili niya, aalalahanin Ko siya sarili Ko; at kung inalala niya Ako sa madla, aalalahanin Ko siya sa madlang higit na mabuti kaysa sa kanila."التصنيفات
Ang mga Kainaman ng Dhikr