Tunay na ang mga Ash`arīy kapag kinapos ng baon sa labanan o nangaunti ang pagkain ng mga mag-anak nila sa Madīnah

Tunay na ang mga Ash`arīy kapag kinapos ng baon sa labanan o nangaunti ang pagkain ng mga mag-anak nila sa Madīnah

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Tunay na ang mga Ash`arīy, kapag kinapos ng baon sa labanan o nangaunti ang pagkain ng mga mag-anak nila sa Madīnah, ay nagtitipon ng anumang taglay nila sa iisang damit. Pagkatapos ay hinahati-hati nila ito sa pagitan nila sa iisang lalagyan nang pantay-pantay, kaya naman sila ay bahagi ko at ako ay bahagi nila."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Tunay na ang mga Ash`arīy, ang mga tao ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya, kapag nangaunti ang pagkain nila o sila ay nasa labanan ng Pakikibaka alang-alang sa landas ni Allah, ay nagtitipon ng pagkain nila at naghahati-hati nito sa pagitan nila nang magkapantay. Kaya dahil doon, naging karapat-dapat sila na maugnay sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa kaugnayan ng karangalan at pag-ibig. Siya rin ay bahagi nila sa pamamaraan nila sa dakilang kaasalang ito ng pagtatangi sa iba at pananatili sa pagtalima.

التصنيفات

Ang Sosyohan, Ang Lipunang Muslim