Huwag kayong magtinda ng ginto kapalit ng ginto malibang isang tulad kapalit sa isang tulad at huwag kayong magpalabis sa isang bahagi nito higit sa ibang bahagi. Huwag kayong magtinda ng pilak kapalit ng pilak malibang isang tulad kapalit sa isang tulad at huwag kayong magpalabis sa isang bahagi…

Huwag kayong magtinda ng ginto kapalit ng ginto malibang isang tulad kapalit sa isang tulad at huwag kayong magpalabis sa isang bahagi nito higit sa ibang bahagi. Huwag kayong magtinda ng pilak kapalit ng pilak malibang isang tulad kapalit sa isang tulad at huwag kayong magpalabis sa isang bahagi nito higit sa ibang bahagi. Huwag kayong magtinda mula rito ng isang nakaliban kapalit ng isang nakahanda.

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya: "Huwag kayong magtinda ng ginto kapalit ng ginto malibang isang tulad kapalit sa isang tulad at huwag kayong magpalabis sa isang bahagi nito higit sa ibang bahagi. Huwag kayong magtinda ng pilak kapalit ng pilak malibang isang tulad kapalit sa isang tulad at huwag kayong magpalabis sa isang bahagi nito higit sa ibang bahagi. Huwag kayong magtinda mula rito ng isang nakaliban kapalit ng isang nakahanda." Sa isang pananalita: "malibang kamay sa kamay..." Sa isa pang pananalita: "malibang isang timbang kapalit sa isang timbang, isang tulad kapalit sa isang tulad, isang kapantay kapalit sa isang kapantay..."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Sa marangal na ḥadīth na ito, ipinagbabawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang ribā (patubo) sa dalawang uri nito: ang faḍl (pagpapalabis) at ang nasī'ah (pagpapaliban). Siya ay nagbabawal sa pagtitinda ng ginto kapalit ng ginto, maging ang mga ito man ay mga ginawang pera o hindi mga ginawang pera, malibang kapag nagkatulad ang isang timbang sa isa pang timbang at naganap ang palitan sa lugar ng transaksiyon yayamang hindi ipinahihintulot ang pagbibilihan na ang isa sa dalawa ay nakahanda at ang isa naman ay nakaliban. Ipinagbawal niya rin ang pagtitinda ng pilak kapalit ng pilak, maging ang mga ito man ay ginawang pera o hindi ginawang pera, malibang ang mga ito ay nagkakatulad sa timbang at nagpapalitan sa lugar ng transaksiyon. Hindi ipinahihintulot ang pagdaragdag sa isa sa dalawa higit sa isa pa ni ang paghihiwalay [ng nagbibilihan] bago ang palitan.

التصنيفات

Ang Interes