Kapag nangako kami noon ng katapatan sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagdinig at pagtalima ay nagsasabi siya sa amin: Sa abot ng makayaya ninyo.

Kapag nangako kami noon ng katapatan sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagdinig at pagtalima ay nagsasabi siya sa amin: Sa abot ng makayaya ninyo.

Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Kapag nangako kami noon ng katapatan sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagdinig at pagtalima ay nagsasabi siya sa amin: Sa abot ng makayaya ninyo."

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Ipinababatid ni Ibnu `Umar na kapag nagpahayag sila ng katapatan sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ipinag-uutos niya sa kanila ang pakikinig at ang pagtalima. Nilimitahan niya ang pagtalima ayon sa kakayahan. Kapag inatangan ang Muslim ng tagpagtaguyod ng kapakanan niya ng tungkuling hindi niya nakakaya, walang pagsunod doon. Hindi nag-aatang si Allah sa isang tao malibang ayon sa kakayahan nito.

التصنيفات

Ang Karapatan ng Pinuno sa Pinamumunuan