Kung niloob ninyong dalawa, ibibigay ko sa inyong dalawa. Walang bahagi rito para sa isang mayaman at wala para sa isang malakas na kumikita."}

Kung niloob ninyong dalawa, ibibigay ko sa inyong dalawa. Walang bahagi rito para sa isang mayaman at wala para sa isang malakas na kumikita."}

Ayon kay `Ubaydullāh bin `Adīy bin Al-Khiyār na nagsabi: {May nagpabatid sa akin na dalawang lalaki na silang dalawa ay pumunta sa Propeta (s) sa Ḥajj ng Pamamaalam, habang siya ay naghahati-hati ng kawanggawa, saka humingi silang dalawa sa kanya mula rito. Kaya nag-angat-angat siya sa amin ng paningin at nagbaba-baba nito saka nakakita siya sa amin bilang mga matipuno. Kaya nagsabi siya: "Kung niloob ninyong dalawa, ibibigay ko sa inyong dalawa. Walang bahagi rito para sa isang mayaman at wala para sa isang malakas na kumikita."}

[Tumpak] [رواه أبو داود والنسائي]

الشرح

May dumating na dalawang lalaki sa Propeta (s) sa Ḥajj ng Pamamaalam, habang siya ay naghahati-hati ng kawanggawa, saka humiling silang dalawa na magbigay siya sa kanilang dalawa mula rito. Kaya nagsimula ang Propeta (s) na nag-uulit-ulit ng pagtingin sa kanilang dalawa upang makaalam sa kalagayan nilang dalawa kung napahihintulutan kaya para sa kanilang dalawa ang kawanggawa o hindi. Nakakita siya sa kanilng dalawa bilang mga lalaking malakas. Kaya nagsabi siya: "Kung nagnais kayong dalawa, magbibigay ako sa inyong dalawa mula sa kawanggawa. Walang parte rito para sa sinumang may yamang nakasasapat sa kanya at wala para sa isang nakakakaya sa pagtamo at pagkamit ng yaman; at kahit pa wala siyang yaman, ibibilang siyang isang mayaman."

فوائد الحديث

Ang pagbabawal sa pangihingi ng taong mayaman o malakas na makakikita.

Ang pangunanhing panuntunan sa sinumang hindi nalalamang may yaman ay ang pagtuturing ng karalitaan at pagkakarapat-dapat sa kawanggawa.

Ang payak na kalakasan ay hindi nag-oobliga ng kawalan ng pagkakarapat-dapat sa kawanggawa; bagkus kailangan na maiugnay rito ang kakayahan sa pagkita.

Ang nakakakaya sa pagkita ng nakasasapat sa kanya ay hindi pinapayagan sa pagkuha mula sa kawanggawang isinatungkulin dahil sa pagkasapat sa pagkita gaya ng pagsakapat ng mayaman sa yaman.

Ang pampropetang dakilang edukasyon sa pagkataong Muslim sa dangal ng sarili at sa pagbibigay, hindi sa pagkuha, paghingi, at kamaran.

التصنيفات

Ang Pinagkakagastusan ng Zakāh