Ang tubig ay naipangdadalisay na hindi naparurumi ng anuman.

Ang tubig ay naipangdadalisay na hindi naparurumi ng anuman.

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya, sinabi sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Magsasagawa ba tayo ng wuḍū' mula sa balon ng Buḍā`ah gayong ito ay balong nagtatapon doon ng pasador, patay na aso, at bulok na bagay." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang tubig ay naipangdadalisay na hindi naparurumi ng anuman."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Nililinaw ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang tubig ay naipangdadalisay na hindi naparurumi dahil lamang sa pagkakadiit ng karumihan dito hanggat hindi nababago ang kulay nito o lasa nito o amoy nito.

التصنيفات

Ang mga Patakaran ng Tubig