Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakarinig ng iba`t-ibang boses na nagtatalo sa pintuan ng kuwarto niya

Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakarinig ng iba`t-ibang boses na nagtatalo sa pintuan ng kuwarto niya

Ayon kay Umm Salamah, malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakarinig ng iba`t-ibang boses na nagtatalo sa pintuan ng kuwarto niya,Lumabas siya sa kanila,at nagsabi:((Hindi ba`t ako ay isang nilalang,at dumarating sa akin ang pagtatalo,marahil ang iba sa inyo ay higit na mahusay sa iba,at iisipin kong siya ang nasa tama,at ihahatol ko ito sa kanya,Sinuman ang maihatol ko sa kanya ang karapatan ng ibang Muslim,Tunay na ito ay piraso ng apoy ,dadalhin niya ito o iiwanan niya))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Narinig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga boses ng pagtatalo na nagkahalo-halo.dahil sa mga namagitan sa kanila na pagtatalo at pag-aaway sa pintuan niya,Lumabas siya sa kanila upang humatol sa pagitan nila,na nagsasabi:Tunay na ako ay isang nilalang na tulad ninyo,wala akong ala sa mga nakalingid [na kaalaman],at hindi ko sasabihin ang mga hindi nakikitang bagay o pangyayari,nang sa gayun ay malaman ko sa inyo kung sino ang nagsasabi ng katotohanan sa sinungaling,At dumarating sa akin ang pagtatalo upang humatol ako rito sa pagitan ninyo,at ang aking hatol ay bumabatay sa mga naririnig ko mula sa argumento ng dalawang magkabilaan,sa mga ebidensiya at panunumpa nila,Marahil ang ilan sa inyo ay higit na maalam,matalinghaga at hgit na malinaw sa [pananalita] sa iba,at iisipin kong siya ang tama at nagsasabi ng katotohanan,at ihahatol ko ito sa kanya,Kaya ,sinuman ang ihatol ko sa kanya ang karapatan ng iba sa kanya at alam niyang siya ay hindi tama,Tunay na pinutol ko sa kanya ang piraso ng apoy,Dalhin niya ito kung naisin niya o iwan niya.Ang kaparusahan nito ay babalik sa kanya.Tunay na si Allah sa mga makasalanan ay nakatambang.

التصنيفات

Ang mga Pag-aangkin at ang mga Katibayan