Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga kaysa sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw."}

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga kaysa sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw."}

Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga kaysa sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga, pagsisigasig, at pagpapanatili kaysa sa dalawang rak`ah na kinukusang-loob na dasal bago ng dasal sa madaling-araw.

فوائد الحديث

Ang kinukusang-loob na dasal ay ang anumang iba sa mga isinatungkulin mula sa mga pagtalima. Ang tinutukoy rito ay ang mga sunnah na kinukusang-loob na sumusunod sa mga isinasatungkulin.

Ang mga sunnah na kinukusang-loob ay dalawang rak`ah na ṣalāh bago ng ṣalāh sa madaling-araw, apat na tigdadalawang rak`ah na ṣalāh bago ng ṣalāh sa tanghali at dalawang rak`ah matapos nito, dalawang rak`ah na ṣalāh matapos ng ṣalāh sa pakalubog ng araw, at dalawang rak`ah na ṣalāh matapos ng ṣalāh sa gabi.

Ang kinukusang-loob na dasal sa madaling-araw ay dinadasal sa sandali ng pamamayan (hindi paglalakbay) at paglalakbay, na kasalungatan ng kinukusang-loob na dasal sa tanghali, pagkalubog ng araw, at gabi sapagkat hindi dinarasal ito kundi sa sandali ng pamamayan.

Ang pagsasakaibig-ibig na binibigyang-diin sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw sapagkat hindi nararapat ang pagpapabaya rito.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Ṣalāh ng Pagkukusang-loob, Ang mga Sunnah Rātibah