Oo. Nakakita ako sa Sugo ni Allah (s) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wudu at nagpahid sa khuff niya

Oo. Nakakita ako sa Sugo ni Allah (s) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wudu at nagpahid sa khuff niya

Ayon kay Ibrāhīm An-Nakha`īy, ayon kay Hammām bin Al-Ḥārith na nagsabi: {Umihi si Jarīr, pagkatapos nagsagawa siya ng wudu at nagpahid sa khuff niya saka sinabi: "Gumagawa ka niyan?" Kaya nagsabi siya: "Oo. Nakakita ako sa Sugo ni Allah (s) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wudu at nagpahid sa khuff niya." Nagsabi si Al-A`mash: Nagsabi si Ibrāhīm: Nagpahanga sa kanila ang ḥadīth na ito dahil ang pag-anib sa Islam ni Jarir ay matapos ng pagbaba ng Kabatang Al-Mā'idah.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Umihi si Jarīr bin `Abdillāh (r), pagkatapos nagsagawa siya ng wudu at nagkasya sa pagpahid sa khuff niya at hindi naghugas ng mga paa niya, saka nagsabi sa kanya ang nasa paligid niya: "Gumagawa ka niyan?" Kaya nagsabi siya: "Oo. Nakakita ako sa Propeta (s) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wudu at nagpahid sa khuff niya." Si Jarīr ay umanib nga sa Islam nang huli matapos ng pagbaba ng Kabatang Al-Mā'idah na nasaad dito ang talata ng pagsasagawa ng wudu, na nagpapahiwatig doon na ang pagpahid sa khuff ay hindi napawalang-bisa ng talatang iyon.

فوائد الحديث

Ang sigasig ng mga Kasamahan at mga Tagasunod sa pagsunod sa Sunnah ng Propeta (s).

Nagsabi si An-Nawawīy: Nagkabuklod ang natuturingan sa pagkakabukold sa hatol ng pagpayag sa pagpahid sa khuff sa paglalakbay at pamamayanan, maging ito man ay dahil sa isang pangangailangan o dahil sa iba pa rito, pati na sa pagpayag para sa babaing nananatili sa bahay niya at taong nakaratay na hindi nakalalakad.

Ang kainaman ni Jarīr bin `Abdillāh (r) yayamang siya ay malawak ang isip, na nakababata ng pagtutol ng mga estudyante sa kanya kahit pa man sila ay mga nagkakamali roon.

Ang pagtugon sa sinumang nagkakaila sa pagpahid sa khuff at nag-aangkin na ito ay pinawalang-bisa dahil ang hadith ni Jarīr (r) ay nahuli sa pagkababa ng talata ng pagsasagawa ng wudu.

Ang paglilinaw na nararapat sa sinumang may tumutol sa kanya na anuman at naniniwala ito sa katumpakan nito na hindi siya magalit sa sinumang tumutol sa kanya at makipagtalakayan siya rito alinsunod sa palagay nito; bagkus maglilinaw siya rito ng pinagsasaligan niya kaugnay roon sa pamamagitan ng siyang pinakamaganda.

Ang paghango ng patunay sa pamamagitan ng kasaysayan sa sandali ng pangangailangan doon.