Tunay na ako ay hindi nakikipagkamayan sa mga babae. Ang sabi ko lamang sa isandaang babae ay gaya ng sabi ko sa iisang babae

Tunay na ako ay hindi nakikipagkamayan sa mga babae. Ang sabi ko lamang sa isandaang babae ay gaya ng sabi ko sa iisang babae

Ayon kay Umaymah bint Ruqayyah (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nagsabi: {Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng mga babaing kabilang sa Anṣār, na mangangako ng katapatan sa kanya, kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nangangako kami ng katapatan sa iyo na hindi kami magtambal kay Allāh ng anuman, hindi kami magnakaw, hindi kami mangalunya, hindi kami magdala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa namin sa pagitan ng mga kamay namin at mga paa namin, hindi kami sumuway sa iyo sa isang nakabubuti." Nagsabi siya: "Sa anumang magagawa ninyo at makakaya ninyo."} Nagsabi siya: {Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maawain sa amin. Halina, mangangako kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay hindi nakikipagkamayan sa mga babae. Ang sabi ko lamang sa isandaang babae ay gaya ng sabi ko sa iisang babae o tulad ng sabi ko sa iisang babae."}

[Tumpak]

الشرح

Nagpabatid si Umaymah bint Ruqayyah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may kasama sa kanya na mga babaing kabilang sa Anṣār, na mangangako ng katapatan sa kanya na hindi sila magtambal kay Allāh ng anuman, hindi sila magnakaw, hindi sila mangalunya, hindi sila magdala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila, hindi sila sumuway sa kanya sa isang nakabubuti." Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sa anumang magagawa ninyo at makakaya ninyo." Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maawain sa amin. Halika, mangangako kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng pakikipaghawakan ng mga kamay gaya ng ginagawa ng mga lalaki." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay hindi nakikipagkamayan sa mga babae. Ang sabi ko at ang pangako ng katapatan sa akin lamang sa isandaang babae ay gaya ng sabi ko sa iisang babae.

فوائد الحديث

Ang Paglilinaw sa Pamamaraan ng Pangako ng Katapatan sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)

Ang Pagbabawal sa Pakikipagkamayan sa mga Babaing HIndi mga Maḥram

Ang mga pag-aatang ng tungkuling legal ay nakasalalay sa makakaya at magagawa.

التصنيفات

Ang Ugnayan sa Pagitan ng Lalaki at Babae