Hindi magtatagumpay ang mga taong nagpangasiwa ng pamamahala sa kanila sa isang babae."}

Hindi magtatagumpay ang mga taong nagpangasiwa ng pamamahala sa kanila sa isang babae."}

Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi magtatagumpay ang mga taong nagpangasiwa ng pamamahala sa kanila sa isang babae."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (s) na hindi magtatamo ang mga tao ng hinahangad nila kapag nagpangasiwa sila at nagpamahala sila sa babae ng nauukol sa kanila na paghuhukom o pamumunong pangkalahatan o pagkaministro.

فوائد الحديث

Ang mga babae ay hindi mamahala ng pamununo at paghuhukom sa mga tao at tulad niyon kabilang sa mga pamamahalang pangkalahatang. Hinggil naman sa mga gawaing natatangi gaya ng pamamahala ng isang waqf o ampunan o pangangasiwa ng isang paaralan at tulad niyon, wala namang masama.

Ang paglilinaw sa kakulangan at kahinaan ng babae at na siya ay hindi nakikilahok sa mga pangkalahatang pamamahala at na ang pagbalikat niya ng tulad niyon ay isang kadahilanan sa kawalan ng tagumpay.

Nilikha ni Allah ang babae at ginawan Niya ito ng isang kalikasang naiiba sa kalikasan ng lalaki. Kaya mayroong mga bagay na hindi nababagay na isagawa ng babae bilang isang pagsasaalang-alang sa natatanging kalikasan nito at gayon din mayroong mga bagay na hindi nababagay na isagawa ng lalaki bilang pagsasaalang-alang sa natatanging kalikasan nito.

Ang ikinakailang tagumpay ay ang tagumpay kaugnay sa sabi ng Kapahayagan. Ito ay ang pagtamo ng kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay. Hindi inoobliga sa kaunlaran ng bansa na ang mga tao ay nasa kaluguran ni Allah. Ang sinumang hindi naging nasa pagtalima kay Allah ay hindi kabilang sa mga matagumpay, kahit pa man siya ay naging nasa pinakamagandang kalagayan ayon sa lumilitaw kabilang sa nauukol sa Mundo.

Walang nasaad sa hadtih na ito na isang pagmamaliit sa babae subalit ito ay isang pagtutuon sa mga kakayahan ng babae ayon sa pagtutuong tumpak na nababagay sa kanya.

التصنيفات

Ang mga Kundisyon ng Pinakamataas na Pamumuno