Walang kabilang sa mga propeta na isang propeta malibang binigyan ng tulad nito, na natiwasay sa kanya ang tao

Walang kabilang sa mga propeta na isang propeta malibang binigyan ng tulad nito, na natiwasay sa kanya ang tao

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang kabilang sa mga propeta na isang propeta malibang binigyan ng tulad nito, na natiwasay sa kanya ang tao. Tanging ang ibinigay sa akin noon ay isang kasi na ikinasi ni Allāh sa akin. Kaya nag-aasam ako na ako ay maging pinakamarami sa kanila sa tagasunod sa Araw ng Pagbangon."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga propeta sa kabuuan nila ay inalalayan ni Allāh at binigyan ng mga tanda at mga himalang pambihira na naisasapatunay sa pamamagitan ng mga iyon sa pagkapropeta nila at nag-aatas ng pananampalataya ng sinumang nakasaksi sa mga iyon hinggil sa katapatan nila at na siya ay napanaigan sa hamon sa punto na hindi siya nakakakaya sa pagtulak sa mga iyon palayo sa sarili niya subalit maaaring magkaila siya saka magmatigas siya. Tunay na ang tanda niya at ang himala niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang Qur'ān na ikinasi ni Allāh sa kanya dahil sa nilaman nito na maliwanag na nagpapatuloy na pagpapawalang-kakayahan sa iba dahil sa dami ng benepiso nito at pangkapangkalahatan ng kapakinabangan nito dahil sa paglaalman nito ng pag-anyaya, katwiran, at pagpapabatid hinggil sa mangyayari. Kaya nagsapangkalahatan ang kapakinabangan nito sa sinumang nakadalo at sinumang nakaliban at sinumang nakatagpos at sinumang matatagpuan. Pagkatapos nagsabi siya: "Kaya nag-aasam ako na ako ay maging pinakamarami sa kanila sa tagasunod sa Araw ng Pagbangon."

فوائد الحديث

Ang pagpapatibay sa mga tanda ng mga propeta. Ito ay bahagi ng awa ni Allāh (napakataas Siya) at kabutihang-loob Niya sa mga kalipunan.

Ang paglilinaw sa kadakilaan ng himala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang paglilinaw sa kadakilaan ng katayuan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang kahigitan niya sa nalalabi sa mga propeta.

Nagsabi si Ibnu Ḥajar kaugnay sa sinabing: "Tanging ang ibinigay sa akin noon ay isang kasi na ikinasi ni Allāh sa akin." Ang tinutukoy ay hindi ang paglimita ng mga himala niya rito at hindi ang pagiging siya ay hindi binigyan ng mga himala na ibinigay sa nauna sa kanya; bagkus ang tinutukoy ay ang mga pinakadakilang himala na ikinatangi niya sa iba sa kanya.

Nagsabi si An-Nawawīy: [Ang sinabing]: "Kaya nag-aasam ako na ako ay maging pinakamarami sa kanila sa tagasunod" ay isang tanda kabilang sa mga tanda ng pagkapropeta sapagkat tunay na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpabatid nito sa panahon ng kakauntian ng mga Muslim. Pagkatapos nagmabuting-loob si Allāh (napakataas Siya), nagpatagumpay Siya sa mga Musim, at nagpala Siya sa kanila hanggang sa nagwakas ang katayuan at lumawak ang katayuan sa mga Muslim sa nakikilang tunguhing ito. Ukol kay Allāh ang papuri.

التصنيفات

Ang Kahulugan ng Qur'ān at ang mga Paglalarawan dito, Ang Propeta Nating si Muhammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan