إعدادات العرض
{Tinanong si Anas kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi ito: "Ito noon ay pagpapahaba
{Tinanong si Anas kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi ito: "Ito noon ay pagpapahaba
Ayon kay Qatādah (kaawaan siya ni Allāh) na nagsabi: {Tinanong si Anas kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi ito: "Ito noon ay pagpapahaba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'an 1:1): "Bismi -llāhi -rraḥmāni -rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain)." Nagpapahaba siya siya sa: "Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)," nagpapahaba siya sa: "-rraḥmāni -rraḥīm ([ang] Napakamaawain, ang Maawain)," at nagpapahaba siya sa: "-rraḥīm ([ang] Maawain)."}
الترجمة
العربية Português دری Македонски Tiếng Việt Magyar ქართული Bahasa Indonesia বাংলা Kurdî ไทย অসমীয়া Nederlands Hausa ਪੰਜਾਬੀ Kiswahiliالشرح
Tinanong si Anas bin Mālik (r) kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng Qur'an. Kaya nagsabi siya: "Siya noon ay nagpapahaba ng tinig niya sa pagbigkas sa isang pagpapahabang pinahahaba ang LA na bago ng H ng pangalang Allāh, pinahahaba ang MA na bago ng N ng RaḥMĀN, at pinahahaba ang ḤI ng RaḤĪm."فوائد الحديث
Ang pagpapahaba ay ang pag-uunat ng mga titik ng pinahabang patinig. Ang mga ito ay ang alif (ā), ang wāw (ū), at ang yā' (ī) kapag ang mga ito walang sariling patinig at bago ng mga ito ay may isang katinig na tumutugma sa mga ito.
Ang paglilinaw sa pagpatnubay ng Propeta (s) sa pagbigkas ng Qur'an.
Ang praktikal na aplikasyon para sa paglilinaw ng pamamaraan ng pagbigkas ng Propeta (s).
Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niyang: "nagpapahaba ng tinig niya sa isang pagpapahaba" ay nangangahulugang nagpapatagal siya ng pagbigkas ng mga titik na naaangkop sa pagpapatagal ng pagbigkas habang nagpapatulong siya sa pamamagitan nito sa pagmumuni-muni, pag-iisip-isip, at pagpapaalaala sa sinumang nagsasaalaala.
Ang kahalagaha ng pagkaalam sa Tajwīd (Pagpapahusay ng Pagbigkas ng Qur'an) at `Ulūmulqur'ān (Mga Agham ng Qur'an).
Ang pag-intindi sa mga teksto ay isinasangguni sa mga maalam gaya ng pagtanong kay Anas (r) saka naglinaw naman siya sa tagapagtanong.
التصنيفات
Ang Agham ng Tajwīd