May pinababa sa akin na mga tanda na hindi nakita ang tulad ng mga ito kailanman, ang dalawang tagapagpakupkop."}

May pinababa sa akin na mga tanda na hindi nakita ang tulad ng mga ito kailanman, ang dalawang tagapagpakupkop."}

Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May pinababa sa akin na mga tanda na hindi nakita ang tulad ng mga ito kailanman, ang dalawang tagapagpakupkop."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid si `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa kanya: "Nagpababa si Allāh sa akin kagabi ng mga tanda na hindi nakita ang tulad ng mga ito kailanman." Tinutukoy niya ang paghiling ng pagkupkop, ang dalawang tagapagpakupkop: ang kabanatang: {Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway ...} at ang kabanatang: {Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao, ...}

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa kadakilaan ng kainaman ng dalawang kabanatang ito.

Ang paghimok sa pagpapakamapagpakupkop sa pamamagitan ng dalawang ito laban sa lahat ng mga kasamaan.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Kabanata at mga Talata ng Qur'ān