إعدادات العرض
Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh, walang ṣalāh kundi ang iniatas."}
Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh, walang ṣalāh kundi ang iniatas."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh, walang ṣalāh kundi ang iniatas."}
الترجمة
العربية Português دری Македонски Magyar Tiếng Việt ქართული বাংলা Kurdî ไทย অসমীয়া Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Bahasa Indonesia Kiswahili Hausa ភាសាខ្មែរ English ગુજરાતીالشرح
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nasa masjid na magsimula sa isang kinukusang-loob na ṣalāh matapos ng pagkasagawa ng iqāmah ng ṣalāh na isinatungkulin.فوائد الحديث
Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng kinukusang-loob na ṣalāh kapag naisagawa ng ṣalāh na tungkulin kapag nasa loob ng masjid.
Ang pagsaway laban sa pagsisimula ng isang kinukusang-loob na ṣalāh matapos ng pagkasagawa ng iqāmah ng ṣalāh, maging ito man ay isang karaniwang kusang-loob na ṣalāh gaya ng sunnah para sa ṣalāh sa fajr at ḍ̆uhr o iba pa rito.
Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh habang siya ay nasa pagsasagawa ng kinukusang-loob na ṣalāh, saka kung may natira mula rito na maiksi kaysa sa isang rak`ah, maglulubos siya nito at kung hindi ay puputulin niya ito nang sa gayon makaabot siya kainaman ng pagsasagawa ng takbīr ng pagpapasimula ng ṣalāh.
