May hindi matitigil na isang pangkating kabilang sa Kalipunan ko na mga nangingibabaw hanggang sa dumating sa kanila ang utos ni Allāh habang sila ay mga nangingibabaw."}

May hindi matitigil na isang pangkating kabilang sa Kalipunan ko na mga nangingibabaw hanggang sa dumating sa kanila ang utos ni Allāh habang sila ay mga nangingibabaw."}

Ayon kay Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May hindi matitigil na isang pangkating kabilang sa Kalipunan ko na mga nangingibabaw hanggang sa dumating sa kanila ang utos ni Allāh habang sila ay mga nangingibabaw."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may hindi matitigil na mga taong kabilang sa Kalipunan ko na mga nangingibabaw sa mga tao, na mga nananaig laban sa sinumang sumalungat sa kanila. Ito ay hanggang sa dumating sa kanila ang utos ni Allāh ng pagkuha sa mga kaluluwa nila sa wakas ng panahon ng Mundo bago ng pagsapit ng Huling Sandali.

فوائد الحديث

Isang hayag na himala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tunay na ang paglalarawang ito ay hindi natigil dahil sa papuri kay Allāh mula sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa ngayon at hindi matitigil hanggang sa dumating ang nabanggit na utos ni Allāh sa ḥadīth.

Ang kalamangan ng katatagan sa totoo, paggawa ayon dito, at paghimok doon.

Ang pananaig ng Relihiyon ay dalawang uri, na maaaring pananaig sa katwiran, paglilinaw, at kaliwanagan; at maaaring pananaig sa lakas at sandata. Ang pananaig ay mananatili sa katwiran at paglilinaw dahil ang katwiran ng Islām ay ang Qur'ān. Ito ay mananaig na tagapagsubaybay sa bawat anumang iba rito subalit ang ikalawang uri ng pananaig, ang pananaig ng lakas at sandata, ito ay alinsunod sa pananampalataya at pagbibigay-kapangyarihan sa lupa.

التصنيفات

Ang mga Katangian ng mga Alagad ng Sunnah