{Nag-utos sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pito at sumaway siya sa amin laban sa pito

{Nag-utos sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pito at sumaway siya sa amin laban sa pito

Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nag-utos sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pito at sumaway siya sa amin laban sa pito. Nag-utos siya sa amin ng pagdalaw sa maysakit, pagdalo sa libing, pagsasagawa ng tashmīt sa bumahin, pagtupad sa panunumpa o sinumpaan, pag-aadya sa naaapi, pagtugon sa paanyaya, at pagpapalaganap ng pagbati ng kapayapaan. Sumaway siya sa amin laban sa mga singsing o laban sa pagsisingsing sa pamamagitan ng ginto, laban sa pag-inom sa pilak, laban sa mga mītharah, laban sa qassīy, laban sa pagsusuot ng seda, brokado, at pelus.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Muslim ng tatlong gawain at sumaway siya sa kanila laban sa pito. Ang mga ipinag-utos niya sa kanila ay ang sumusunod: 1. Ang pagdalaw sa maysakit. 2. Ang pagdalo sa libing at ang pakikilahok sa ṣalāh para rito, paglibing nito, at pagdalangin para rito. 3. Ang tashmīt: ang pagdalangin sa sinumang bumahin at nagpuri kay Allāh[3] sa pamamagitan ng pagsabi sa kanya ng: "Yarḥamuka -llāh (Kaawaan ka ni Allāh)." 4. Ang pagtupad sa sinumpaan at ang pagpapatotoo rito ayon sa kahulugan na kung sakaling pinasumpa sa isang bagay at ikaw ay nakakakaya sa paggawa rito bilang tumutupad dito, gawin mo upang hindi ka mangailangan ng pagtatakip-sala sa sumpa. 5. Ang pag-aadya sa naaapi sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanya at pagtulak ng nagaganap sa kanya mula sa mang-aapi sa abot na makakaya. 6. Ang pagtugon sa paanyaya ng nag-aanyaya sa isang piging ng pagkain gaya ng piging ng kasal o `aqīqah, o iba pa sa dalawang ito. 7. Ang pagpapalaganap ng pagbibigay ng pagbati ng kapayapaan, ang pagpapakalat nito, at ang pagtugon dito. Ang mga sinaway niya sa kanila ay ang sumusunod: 1. Ang pagsusuot ng mga singsing na ginto at ang pag-aalahas nito. 2. Ang pag-inom sa mga lagayang pilak. 3. Ang pag-upo sa mga mītharah, ang sapin na inilalagay sa siya ng kabayo at sintadera ng kamelyo, na yari sa seda. 4. Ang pagsusuot ng damit na niyari mula sa lino (linen) na hinaluan ng seda at tinatawag na qasīy. 5. Ang pagsusuot ng seda. 6. Ang pagsusuot ng brokado (istibraq), ang makapal na seda. 7. Ang pagsusuot ng pelus (dibyāj), ang pinakamainam sa mga uri ng seda at ang pinakamahal sa mga ito.

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa isang bahagi ng mga karapatan ng Muslim sa kapwa niyang Muslim.

Ang pangunahing panuntunan ay na ang bawat nasasaad sa Kapahayagan na mga ipinag-uutos at mga sinasaway ay sumasaklaw sa mga lalaki at mga babae, maliban sa anumang itinangi na ito ay kabilang sa mga natatangi sa mga lalaki o mga natatangi sa mga babae.

Nagpatunay ang mga ibang ḥadīth sa pagsaway sa babae sa pagdalo sa libing.

Nagpatunay ang mga ibang ḥadīth sa pagpayag sa pagsuot ng ginto at seda para sa babae.

التصنيفات

Ang mga Kaasalang Ayon sa Sharī`ah, Ang Pagbubuhat sa Patay at Paglilibing Dito