Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allah na magpagaling Siya sa iyo

Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allah na magpagaling Siya sa iyo

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na siya ay nagsabi kay `Aṭā' bin Abī Rabāḥ: "Magpapakita ba ako sa iyo ng isang babaing kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso?" Nagsabi ako: "Oo naman." Nagsabi siya: "Ang maitim na babaing ito ay dumating sa Propeta (s)." Nagsabi ito: "Tunay na ako ay sinasaniban [ng jinn] at tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allah para sa akin." Nagsabi siya: "Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allah na magpagaling Siya sa iyo." Nagsabi ito: "Magtitiis ako." Nagsabi pa ito: "Saka tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allah na hindi ako mapabuyangyang." Kaya dumalangin siya para rito.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagsabi ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) kay `Aṭā' bin Abī Rabāḥ: "Magpapakita ba ako sa iyo ng isang babaing kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso?" Nagsabi si `Aṭā': "Oo naman." Nagsabi siya: "Ang Etyopiyang maitim na babaing ito ay dumating sa Propeta (s)." Nagsabi ito: "Tunay na ako ay sinasaniban [ng jinn] at tunay na ako ay napabubuyangyang at may nalalantad ng kaunti sa katawan ko habang ako ay hindi nakararamdam, kaya manalangin ka kay Allah na magpagaling Siya sa akin." Nagsabi siya: "Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allah na magpagaling Siya sa iyo." Nagsabi ito: "Magtitiis ako." Pagkatapos nagsabi ito: "Kaya manalangin ka kay Allah na hindi ako mapabuyangyang kung sinaniban ako." Kaya dumalangin siya kay Allah para rito.

فوائد الحديث

Ang pagtitiis sa pagsubok sa Mundo ay nagpapamana ng Paraiso.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: May nasaad dito na isang patunay na ang pagkasanib ay ginagantimpalaan ng pinakakumpletong gantimpala.

Ang kalinisang-puri at ang hiya ng mga maybahay ng mga Kasamahan at ang sigasig nila sa pagtatakip (malugod si Allah sa kanila) sapagkat ang babaing ito ay natatakot nang higit na may mabuyayang na anuman mula sa katawan niya.

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang paggamit ng paghihigpit ay higit na mainam kaysa sa paggamit ng pagpapahintulot para sa sinumang nakaalam mula sa sarili niya ng kakayahan at hindi nanghina sa pananatili sa paghihigpit.

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad dito na ang paglulunas sa mga karamdaman sa kabuuan ng mga ito ay sa pamamagitan ng panalangin. Ang pagdulog kay Allah ay higit na nagpapalusog at higit na nagpapakinabang kaysa sa paglulunas sa pamamagitan ng mga droga at na ang pag-epekto niyon at ang reaksiyon ng katawan buhat doon ay higit na mabisa kaysa sa pag-epekto ng mga gamot na pangkatawan. Subalit nagpapalusog lamang ito dahil sa dalawang bagay: ang una ay sa punto ng pasyente - ang katapatan ng pakay - at ang ikalawa ay sa punto ng nanggagamot - ang lakas ng pagtuon niya at ang lakas ng puso niya dahil sa taqwā (pangingilag magsakala) at tawakkul (pananalig). Si Allah ay higit na maalam.

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Dito ay may patunay sa pagpayag sa pag-iwan sa pagpapagamot.

التصنيفات

Ang Pananampalataya sa Pagtatadhana at Pagtatakda, Ang Medisina, ang Pagpapagamot, at ang Ruqyah Maka-Sharī`ah, Ang mga Kahatulan Para sa mga Babae