O Abū Bakr, ano ang palagay mo sa dalawang si Allāh ay ang ikatlo nilang dalawa?"}

O Abū Bakr, ano ang palagay mo sa dalawang si Allāh ay ang ikatlo nilang dalawa?"}

Ayon kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumingin ako sa mga paa ng mga tagapagtambal sa mga uluhan namin habang kami ay nasa yungib saka nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kung sakaling ang isa sa kanila ay tumingin sa mga paa niya, nakakita sana siya sa atin sa ilalim ng mga paa niya." Kaya nagsabi siya: "O Abū Bakr, ano ang palagay mo sa dalawang si Allāh ay ang ikatlo nilang dalawa?"}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagsabi ang Pinuno ng mga Mananampalataya na si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) sa panahon ng paglikas: Tumingin ako sa mga paa ng mga tagapagtambal, habang sila ay mga nakatayo sa mga uluhan namin sa ibabaw ng Yungib ng Thawr habang kami ay nasa loob nito, saka nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kung sakaling ang isa sa kanila ay tumingin sa mga paa niya, nakakita sana siya sa atin sa ilalim ng mga paa niya." Kaya nagsabi siya: "O Abū Bakr, ano ang palagay mo sa dalawang si Allāh ay ang ikatlo nilang dalawa sa pag-aadya, pagtulong, pangangalaga, at pagtatama?"

فوائد الحديث

Ang kaigihan ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) sa pagkakasama niya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paglikas niya mula sa Makkah papuntang Madīnah at pakikipaghiwalay niya sa mag-anak niya at ari-arian niya.

Ang pagmamalasakit ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya), ang lawak ng pag-ibig niya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at ang pangamba niya para rito laban sa mga kaaway.

Ang pagkakinakailangan ng pagtitiwala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at pagkapanatag sa pag-aaruga Niya at pagmamalasakit Niya matapos ng pag-ukol ng pagsisikap sa paggawa ng pag-iingat at pangingilag.

Ang pagmamalasakit ni Allāh (napakataas Siya) sa mga propeta Niya at mga katangkilik Niya at ang pag-aaruga Niya sa kanila sa pamamagitan ng pag-aadya. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 40:51): {Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sugo Namin at mga sumampalataya sa buhay *na pangmundo at sa Araw na titindig ang mga saksi,}

Pagtawag-pansin na ang sinumang nanalig kay Allāh, sasapat Siya rito, mag-aadya Siya rito, tutulong Siya rito, mag-iingat Siya rito, at mangangalaga Siya rito.

Ang kakumpletuhan ng pananalig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Panginoon niya at na siya ay sumasandal sa Kanya at nagpapaubaya sa Kanya ng nauukol sa kanya.

Ang katapangan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagpapanatag niya sa mga puso at mga kaluluwa.

Ang pagtakas dahil sa Relihiyon dala ng pangamba sa kaaway ang paggamit ng mga kadahilanan.

التصنيفات

Ang Talambuhay at ang Kasaysayan, Ang Paglikas