Ang Talambuhay at ang Kasaysayan

Ang Talambuhay at ang Kasaysayan

93- Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya:sinabi ni Abu Talhah kay Ummu Sulaym: talagang narinig ko ang boses ng sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na mahina,alam ko rito na may pagkagutom,mayroon kabang kahit na ano diyan?Nagsabi siya :Oo,inilabas nito ang mga kapiraso ng tinapay na mula sa obena,pagkatapos ay kinuha niya ang pantakip nito sa mukha,at itinago rito ang tinapay sa bawat isa nito,pagkatapos ay itinago niya sa loob ng damit ko at ibinalik sa akin ang iba nito,pagkatapos ay ipinadala niya ako sa sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pumunta ako sa kanya,nadatnan ko ang sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naka-upo sa masjid,at kasama niya ang mga tao,tumindig ako sa kanila,Sinabi sa akin ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: (Ipinadala kaba ni Abu Talhah?Nagsabi ako: Oo,Sinabi niya:(Ang pagkain)?Nagsabi ako: Oo,Nagsabi ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(tumindig kayo),umalis sila, at umalis din ako sa kanila,hanggang sa dumating ako kay Abu Talhah at ibinalita ko sa kanya,Ang sabi ni Abu Talhah:O Ummu Sulaym,darating ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama ang mga tao,at wala sa atin ang ipapakain sa kanila,Nagsabi siya:Ang Allah at ang sugo ang higit na nakaka-alam,Umalis si Abu Talhah hanggang sa nakatagpo niya ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,dumating ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kasama siya hanggang sa pumasok sila,Nagsabi ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(ibigay mo sa akin ang mayroon ka Ummu Sulaym),ibinigay nito ang tinapay,Inutusan nito ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na paliitin ito sa maliliit na piraso,at( (kinuha ni Ummu Sulaym ang katas nito na lumabas mula sa taba upang ihalo sa mga maliliit ng pirasong tinapay,pagkatapos ay sinabi rito ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(Masha-a Allah) ang sasabihin.Pagkatapos ay sinabi niya:(payagan ang sampu),pinayagan sila at kumain sila hanggang sa sila ay nabusog,pagkatapos ay lumabas sila, Pagkatapos ay sinabi niya:(payagan ang sampu),pinayagan sila hanggang sa nakakain ang lahat ng tao at nabusog silang lahat,at ang bilang ng mga tao ay pitumpong kalalakihan o walumpo.Napagkaisahan sa katumpakan. At sa isang salaysay:Patuloy parin ang pagpasok ng sampu at paglabas ng sampu hanggang sa walang natira sa kanilang lahat kahit isa maliban sa ito`y nakapasok,nakakain hanggang sa nabusog,pagkatapos ay iniligpit niya ito at tulad parin ito ng kumain sila,At sa isang salaysay:Kumain sila ng sampu-sampu,hanggang sa ginawa ito ng walumpong kalalakihan,pagkatapos ay kumain ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,pagkatapos doon.at ng tao sa bahay,at iniwan na nila ang tira-tira.At sa isang salaysay:Pagkatapos ay nagtira sila at ibinigay nila sa mga kapit-bahay nila, At sa isang salaysay:Ayon kay Anas,nagsabi siya:Dumating ako sa sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,isang araw,nadatnan ko siya na naka-upo kasama ang mga kasamahan niya,at talagang hinigpitan nito ang tiyan niya,sa pang-higpit,at ang sabi ng mga ibang kasamahan niya: bakit hinigpitan ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang tiyan nito?Nagsabi sila: dahil sa pagka-gutom,pumunta ako kay Abu Talhah at siya ay asawa ni Ummu Sulaym bint Milhan, Nagsabi ako: O ama ,nakita ko ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na hinigpitan nito ang tiyan sa panghigpit,tinanong ko ang ilan sa mga kasamahan niya;Nagsabi sila:Dahil sa pagkagutom,Pumasok si Abu Talhah sa nanay ko,nagsabi siya: Mayroon kaba diyan na kahit ano?Nagsabi siya:mayron akong piraso ng mga tinapay at tamr,Kapag dumating sa atin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na nag-iisa, bubusugin natin siya,at kapag dumating ang iba pa sa kasamahan niya ay kontihan ninyo sila.At binanggit ang saktong hadith.

102- Ayon kay 'Abdullah bin 'Abdullah bin 'Utbah,Nagsabi siya:Pumasok Ako kay 'Aishah,sinabi ko sa kanya: Hindi moba sasabihin sa akin ang sakit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:Oo,Lumalala ng ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: ((Nakapagdasal naba ang mga Tao?))Nagsabi kami: Hindi pa,hinihintay ka nila,Nagsabi siya;(( Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya:(Aisha):Ginawa namin,naligo siya at pumunta siya upang isagawa (ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos ay nagkamalay siya,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Nakapagdasal naba ang mga tao?))Nagsabi Kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo,O Sugo ni Allah,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya ( 'Aishah): Umupo siya at naligo,pagkatapos ay pumunta upang isagawa ( ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,Pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:(( Nakapag-dasal mana ang mga Tao?)) Nagsabi kami:Hindi pa O Sugo ni Allah, sila ay naghihintay sa iyo,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa Timba)) umupo siya at naligo siya,pagkatapos ay pumunta upang isagawa (ang dasal, ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:((Nakapagdasal naba ang mga Tao?)) Nagsabi kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo, O Sugo ni Allah,at ang mga Tao ay nanatili sa loob ng Masjid,hinihintay nila ang Propeta sumakanya ang pangangalaga sa pagdarasal ng Eishah na pang-huli,Nagpadala ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abū Bakar,upang (sabihing) magdasal siya sa mga Tao,dumating sa kanya ang sugo at nagsabi: Katotohanang ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nag-utos sa iyo na magdasal ka sa mga Tao,Ang sabi ni AbūBakar-at siya ay lalaking maripok-O 'Umar,magdasal ka sa mga Tao,Nagsabi sa kanya si Umar:Ikaw ang mas karapat-dapat dito,Kaya't nagdasal si AbūBakar sa mga araw na yaon,hanggang sa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at nakita niya sa kanyang sarili ang pagkasigla,Lumabas siya sa pagitan ng dalawang kalalakihan,una ay si 'Abbās upang magdasal ng Dhuhr,Habang si AbūBakar ay nagdarasal para sa mga tao,at nang makita siya ni AbūBakar,pumunta siya upang ipagpahuli,Nagpahiwatig sa kanya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na huwag magpahuli,Nagsabi siya:umupo kayong dalawa sa tabi niya,at umupo silang dalawa sa tabi ni AbūBakar: Nagsabi siya:At si AbūBakar ay nagdadasal na siya ay sumusunod sa pagdadasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Habang ang mga Tao ay (sumusunod) sa pagdadasal ni AbūBakar,at ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay naka-upo,Nagsabi si 'Ubaydallah:Pumasok Ako kay 'Abdullah bin 'Abbās at sinabi ko sa kanya: Gusto mobang sabihin ko sa iyo ang sinabi sa akin ni 'Aishah tungkol sa sakit ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya:Sabihin mo,at sinabi ko sa kanya ang sinabi niya,At wala siyang tinanggihan sa mga bagay na ito liban sa sinabi niyang: Pinangalanan ba niya sa iyo ang lalaking kasama ni 'Abbās, Nagsabi ako: Hindi,Nagsabi siya: Siya si 'Alī malugod si Allah sa kanya Saheh Al-Bukhari

124- Ikalima: Ayon kay Jaber-malugod si Allah sa kanya-na siya ay nakipag-laban kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lugar na Najd.At nang bumalik ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bumalik siya kasama nila,inabutan sila ng tanghali(oras ng pagtulog)(1),sa isang lambak na may maraming kahoy na may tinik.Bumaba ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at naghiwa-hiwalay ang mga tao na sumisilong sila sa mga puno.At.bumaba ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan (p:46)sa silong ng Assamura(puno) at isinabit niya dito ang tabak niya,at nakatulog kami ng matagal.Kung kaya`t ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tinatawag kami.at dumating sa kanya ang isang Arabo At nagsabi siya:((Tunay na tinangka niya sa akin ang tabak ko,habang ako ay natutulog,nagising ako at itoy nasa kamay niya,Nagsabi siya:(( Sino ang pumipigil sa iyo mula sa akin? Nagsabi ako:"Si Allah-tatlong beses-At hindi niya ito pinarusahan at umupo siya.Napagkaisahan sa katumpakan(2). At sa isang salaysay,Nagsabi si Jaber;kasama namin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang pakikipag-laban na tinatawag na "May-ari ng Nagtatagpi",Kung kayat dumating kami sa isang puno na may silong na iniwanan namin ito para sa-Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan At dumating ang isang lalaki mula sa mga hindi mananampalataya,at ang tabak ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nakasabit sa puno,pinagtangkaan niya ito at nagsabi siya:"Natatakot kaba sa akin? At sinabi niya: Hindi,kaya`t nagsabi siya:"Sino ang pumipigil sa iyo mula sa akin?Sinabi niya:"ALLAH". At sa salaysay ni Abe Bakar Al-Esmailie sa "Tumpak nito" Nagsabi siya:"Sino ang pumipigil sa iyo mula sa akin?Sinabi niya: "ALLAH" Nagsabi siya:,kaya`t nahulog ang tabak sa kamay nito,at kinuha ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -ang tabak;at sinabi niya(lalaki): ((Sino ang pumipigil sa iyo,mula sa akin?))Nagsabi siya:Maging isa kang mabuting taga-kuha.Nagsabi siya:((Sumasaksi kaba walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah?)) sinabi niya: Hindi;ngunit ipinapangako ko sa iyo na hindi kita lalabanan,at hindi ako papanig sa mga taong nakikipag-laban sa iyo.Pinabayaan niya ito sa kanyang daan.Dumating ang mga kasamahan nito:Nagsabi siya:Dumating ako sa inyo mula sa may pinaka-magandang kaasalan sa mga tao.Ang sinabi nito na ((umuwi)) ay bumalik at ang ((puno)ay puno na may mga tinik at ang((Samurah)) ay puno ng akasya at siya ang mga buto mula sa puno na may mga tinik;At ang ((Tinangka niya sa akin ang tabak)) ay isinuot nito at itoy nasa kamay niya((nakasabit)) ay:nagtatangka,at ito ay may patinig na (A) sa letrang Sa`d at (O).

130- Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi siya;Tinamaan si Saad sa araw ng Khandaq;tinamaan siya ng isang lalaki mula sa Quraysh,na tinatawag na Habban bin Al-`Araqah at siya ay si Habban bin Qays mula sa tribo ng Muays bin `Amer bin Luay,tinamaan niya ito sa hinlalaki,Gumawa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng tolda sa loob ng Masjid upang mabisita niya ito ng malapit.At nang bumalik ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Khandaq,inilagay niya ang armas niya at naligo siya,Dumating sa kanya si Jibrel-Sumakanya ang pangangalaga-habang inaalis niya sa ulo niya ang mga alikabok,Nagsabi siya;Tunay na ibinaba mo ang armas;Sumpa kay Allah,huwag mo itong ibaba,Lumabas ka sa kanila,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Saan?Nagpahiwatig siya sa mga Tribo ng Qurayza" Dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibinaba niya sa kanila ang hatol nila,Ipinagkatiwala niya ang hatol kay Saad;Nagsabi siya: Tunay na ihahatol ko sa kanila; Na Patayin ang lahat ng nakipaglaban,at bihagin ang mga kababaihan at mga kabataan,at Paghatian ang mga kayamanan nila,Nagsabi si Hisham;Ipinahayag sa akin ng Ama ko,buhat kay `Aishah; na si Saad ay nagsabi; O Allah,Tunay na alam Mo na wala ng iba na kaibig-ibig sa akin,maliban sa pakikipaglaban ko sa landas Mo,mula sa mga Taong nagpasinungaling sa Sugo Mo,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagtakwil sa kanya,O Allah,Katotohanang iniisip ko na tinapos Mo na ang paglalaban sa pagitan namin at pagitan nila,Kung mayroon pang natitirang pakikipaglaban sa mga Quraysh,ipagpanatili Mo ako rito,upang makipaglaban ako sa kanila,para sa Iyo,at kung itinigil Mona ang pakikipaglaban,Pasabugin ito at Gawin Mo ang kamatayan ko rito,sumabog siya dahil sa kapasiyahan niya at hindi na nila ito naalagaan,at sa loob ng Masjid ay may tolda mula sa Tribo ng Gafar,(wala silang nakita) maliban sa maraming dugong dumadaloy sa kanila;Nagsabi sila: O mga taong naninirahan sa tolda,Ano itong dumating sa amin mula sa una sa inyo?Kung-kaya`t si Saad,ay pumapatak sa sugat niya ang dugo,hanggang sa pumanaw siya rito-malugod si Allah sa kanya-Saheh Al-Bukharie