O Allāh, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka nagpahirap siya sa kanila, magpahirap Ka sa kanya; at ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."}

O Allāh, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka nagpahirap siya sa kanila, magpahirap Ka sa kanya; at ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."}

Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi sa bahay ko ng ganito: "O Allāh, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka nagpahirap siya sa kanila, magpahirap Ka sa kanya; at ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Dumalangin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa bawat sinumang namahala sa kapakanan kabilang sa mga kapakanan ng mga Muslim, malaki man o maliit, at maging ang pamamahalang ito man ay isang pamamahalang pangkalahatan o isang pamamahalang pambahaging natatangi, at nagpasok sa kanila ng pahirap at hindi naglumanay sa kanila. Dumalangin siya na si Allāh nawa ay gaganti sa kanya ng kauri ng gawain niya sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kanya. Dumalangin siya na ang sinumang naglumanay sa kanila at nagpadali sa mga nauukol sa kanila na si Allāh nawa ay maglulumanay sa kanila at magpapadali sa mga nauukol sa kanila.

فوائد الحديث

Kinakailangan sa sinumang nakatalaga sa anuman sa mga nauukol sa mga Muslim na maglumanay sa kanila sa abot ng makakaya niya.

Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.

Ang timbangan ng naisasaalang-alang na kalumanayan o katindihan ay ang hindi sumasalungat sa Qur'ān at Sunnah.

التصنيفات

Ang mga Kundisyon ng Pinakamataas na Pamumuno, Ang Pagkamadamayin Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan