Noon ay may isang hari sa mga bago ninyo noon. Iyon noon ay may isang manggaway

Noon ay may isang hari sa mga bago ninyo noon. Iyon noon ay may isang manggaway

Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Noon ay may isang hari sa mga bago ninyo noon. Iyon noon ay may isang manggaway. Noong tumanda ito, nagsabi ito sa hari: "Tunay na ako ay tumanda na. Kaya magpadala ka sa akin ng isang batang lalaking tuturuan ko ng panggagaway." Kaya nagpadala iyon dito ng isang batang lalaking tuturuan nito. Siya noon ay nasa daan niya nang may tumahak na isang monghe. Umupo siya paharap dito at nakinig siya sa pananalita nito saka nagpahanga ito sa kanya. Kaya kapag pumupunta ang bata sa manggagaway, dumadaan siya sa monghe at umuupo siya paharap dito. Nang minsang pumunta siya sa manggagaway, pinalo siya niyon. Idinaing niya iyon sa monghe saka nagsabi naman ito: "Kapag natakot ka sa manggagaway, magsabi ka: 'Pumigil sa akin ang mag-anak ko.' Kapag natakot ka sa mag-anak mo, magsabi ka: 'Pumigil sa akin ang manggagaway.'" Habang siya ay gayon, biglang may pumuntang isang dambuhalang hayop na pumigil nga sa mga tao kaya nagsabi siya: "Ngayong araw, malalaman ko kung ang manggagaway ba ay higit na mainam o ang monghe ay higit na mainam?" Kaya kumuha siya ng isang bato saka nagsabi: "O Allāh, kung ang nauukol sa monghe ay higit na kaibig-ibig sa Iyo kaysa sa nuukol sa manggagaway, patayin Mo ang hayop na ito nang sa gayon makadaan ang mga tao." Kaya pinukol niya iyon saka napatay niya iyon at nakadaan ang mga tao. Kaya pumunta siya sa monghe saka nagpabatid siya rito. Nagsabi naman sa kanya ang monghe: "O anak ko, Ikaw ngayong araw ay higit na mainam kaysa sa akin. Nakaabot nga mula sa nauukol sa iyo ang kinikinita ko. Tunay na ikaw ay susubukin. Kaya kung sinubok ka, huwag mo akong ituro." Nangyaring ang batang lalaki ay nagpapagaling ng bulag at ketongin at nanggagamot ng mga tao mula sa nalalabi sa mga sakit. May nakarinig na isang kaupuan ng hari, na nabulag na, kaya nagdala siya rito ng maraming regalo saka nagsabi: "Ang narito ay para sa iyo lahat kung ikaw ay maglulunas sa akin." Kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay hindi naglulunas ng isa man; naglulunas si Allāh lamang. Kaya kung ikaw ay sasampalataya kay Allāh, dadalangin ako kay Allāh saka magpapagaling Siya sa iyo." Kaya sumampalataya naman siya kay Allāh saka nagpagaling sa kanya si Allāh. Pumunta siya sa hari saka naupo paharap doon kung paanong siya dati ay umuupo. Nagsabi sa kanya ang hari: "Sino ang nagsauli sa iyo ng paningin mo." Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko." Nagsabi iyon: "At mayroon kang panginoong iba pa sa akin?" Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko at ang Panginoon mo ay si Allāh." Kaya sumunggab iyon sa kanya saka hindi iyon tumigil na nagdudulot ng pagdurusa sa kanya hanggang sa itinuro niya ang batang lalaki. Inihatid naman ang batang lalaki saka nagsabi sa kanya ang hari: "O anak ko, nakaabot nga mula sa panggagaway mo ang pangyayaring nagpapagaling ka ng bulag at ketongin, gumagawa ka nito, at gumagawa ka niyon." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi naglulunas ng isa man; naglulunas si Allāh lamang." Kaya sumunggab iyon sa kanya saka hindi iyon tumigil na nagdudulot ng pagdurusa sa kanya hanggang sa itinuro niya ang monghe. Inihatid naman ang monghe saka sinabi sa kanya: "Talikuran mo ang Relihiyon mo!" Umayaw naman siya kaya nagpakuha iyon ng lagare. Inilagay niyon ang lagare sa gitna ng ulo niya saka biniyak niyon ito hanggang sa bumagsak ang dalawang biyak nito. Pagkatapos inihatid ang kaupuan ng hari saka sinabi sa kanya: "Talikuan mo ang Relihiyon mo!" Umayaw naman siya. Inilagay niyon ang lagare sa gitna ng ulo niya saka biniyak niyon ito sa pamamagitan niyan hanggang sa bumagsak ang dalawang biyak nito. Pagkatapos inihatid ang batang lalaki saka sinabi sa kanya: "Talikuran mo ang Relihiyon mo." Umayaw naman siya. Kaya tumulak iyon sa kanya sa isang pangkat kabilang sa mga tauhan niyon. Nagsabi iyon: "Magpapunta kayo sa kanya sa bundok na ganito at ganito saka magpaakyat kayo sa kanya sa bundok. Kapag umabot kayo sa tuktok niyon, kung tatalikod siya sa relihiyon niya, [ligtas siya;] at kung hindi ay ibulid ninyo siya." Nagpapunta naman sila sa kanya saka nagpaakyat sila sa kanya sa bundok. Kaya nagsabi naman siya: "O Allāh, magligtas Ka sa akin sa kanila sa pamamagitan ng niloob Mo." Kaya yumanig sa kanila ang bundok saka bumagsak sila. Dumating siyang naglalakad papunta sa hari. Nagsabi naman sa kanya ang hari: "Ano ang ginawa ng mga kasamahan mo?" Nagsabi siya: "Nagligtas sa akin sa kanila si Allāh." Kaya tumulak iyon sa kanya sa isang pangkat kabilang sa mga tauhan niyon saka nagsabi: "Magpapunta kayo sa kanya saka magkarga kayo sa kanya sa isang bangka saka magpagitna kayo sa kanya sa dagat. Kung tatalikod siya sa relihiyon niya, [ligtas siya,] at kung hindi ay ihagis ninyo siya." Nagpapunta naman sila sa kanya. Kaya nagsabi naman siya: "O Allāh, magligtas ka sa akin sa kanila sa pamamagitan ng niloob Mo." Kaya tumaob sa kanila ang daong saka nalunod sila. Dumating siyang naglalakad papunta sa hari. Nagsabi naman sa kanya ang hari: "Ano ang ginawa ng mga kasamahan mo?" Nagsabi siya: "Nagligtas sa akin sa kanila si Allāh." Kaya nagsabi siya sa hari: "Tunay na ikaw ay hindi makapapatay sa akin hanggang sa gawin mo ang iuutos ko sa iyo." Nagsabi iyon: "At ano iyon?" Nagsabi siya: "Magtitipon ka sa mga tao sa iisang lupain at magbibitin ka sa akin sa isang troso. Pagkatapos kumuha ka ng isang palaso mula sa suksukan ng palaso ko. Pagkatapos ilagay mo ang palaso sa ْgitna ng pana. Pagkatapos magsabi ka: 'Sa ngalan ni Allāh na Panginoon ng batang lalaki.' Pagkatapos tirahin mo ako sapagkat tunay na ikaw, kapag gumawa ka niyon, ay makapapatay sa akin." Kaya nagtipon iyon sa mga tao sa iisang lupain at nagbitin iyon sa kanya sa isang troso. Pagkatapos kumuha iyon ng isang palaso mula sa susuksukan ng palaso niya. Pagkatapos iniligay niyon ang palaso sa gitna ng pana. Pagkatapos nagsabi iyon: "Sa ngalan ni Allāh na Panginoon ng batang lalaki." Pagkatapos tinira siya niyon saka bumagsak ang palaso sa sintido niya, saka inilagay niya ang kamay niya sa tinamaan ng palaso, saka namatay siya. Kaya nagsabi ang mga tao: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki! Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki! Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki!" Kaya pinuntahan ang hari saka sinabihan: "Nakita mo ba ang dating pinangingilagan mo? Bumaba nga, sumpa man kay Allāh, ang pinangilagan mo. Sumampalataya nga ang mga tao." Kaya nag-utos iyon na maghukay ng bambang sa mga bukana ng mga daanan kaya binambangan ang mga ito. Nagsindi iyon ng mga apoy at nagsabi: "Ang sinumang hindi tumalikod sa relihiyon niya ay painitan ninyo siya riyan o sasabihin sa kanya: 'Lumukso ka!'" Ginawa naman nila hanggang sa may dumating na isang babae at may kasama itong isang paslit nito saka nag-urong-sulong ito na bumagsak diyan kaya nagsabi sa kanya ang bata: "O ina, magtiis ka sapagkat tunay na ikaw ay nasa katotohanan."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (s) na noon ay may isang hari sa mga bago natin noon kabilang sa mga kalipunan. Ang hari ay may isang manggaway. Noong tumanda ang manggagaway, nagsabi ito sa hari: "Tunay na ako ay tumanda na. Kaya magsugo ka sa akin ng isang binatang tuturuan ko ng panggagaway." Kaya nagpadala ang hari rito ng isang binatang tuturuan nito. Noong ang binata ay nasa daan niya nang papunta siya sa manggagaway may isang monghe na tumahak. Kaya umupo siya paharap dito sa isang pagkakataon. Nakinig siya sa pananalita nito saka nagpahanga ito sa kanya. Kaya kapag pumupunta siya sa manggagaway, dumadaan siya sa monghe at umuupo siya sa paharap dito. Nang minsang pumunta siya sa manggagaway, pinalo siya niyon dahil sa pagkahuli niya. Kaya idinaing niya iyon sa monghe saka nagsabi naman ito: "Kapag natakot ka sa manggagaway, magsabi ka: 'Pumigil sa akin ang mag-anak ko;' at kapag natakot ka sa mag-anak mo, magsabi ka: 'Pumigil sa akin ang manggagaway.'" Kaya habang siya ay gayon, biglang may pumuntang isang dambuhalang hayop na pumigil nga sa mga tao sa pagdaan kaya nagsabi siya: "Ngayong araw, malalaman ko kung ang manggagaway ba ay higit na mainam o ang monghe ay higit na mainam?" Kaya kumuha siya ng isang bato saka nagsabi: "O Allāh, kung ang nauukol sa monghe ay higit na kaibig-ibig sa Iyo kaysa sa nuukol sa manggagaway, patayin Mo ang hayop na ito nang sa gayon makadaan ang mga tao." Kaya pinukol niya iyon saka napatay niya iyon at nakadaan ang mga tao. Kaya pumunta siya sa monghe saka nagpabatid siya rito. Nagsabi naman sa kanya ang monghe: "O anak ko, Ikaw ngayong araw ay higit na mainam kaysa sa akin. Nakaabot nga mula sa nauukol sa iyo ang kinikinita ko. Tunay na ikaw ay susubukin. Kaya kung sinubok ka, huwag mo akong ituro." Nangyaring ang batang lalaki ay nagpapagaling ng bulag at ketongin at nanggagamot ng mga tao mula sa nalalabi sa mga sakit ayon sa pahintulot ni Allah. May nakarinig na isang kaupuan ng hari, na dating nang nawalang na ang paningin niya, kaya nagdala siya rito ng maraming regalo saka nagsabi sa batang lalaki: "Ang lahat ng narito na mga regalo ay para sa iyo kung ikaw ay maglulunas sa akin." Kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay hindi naglulunas ng isa man; naglulunas si Allāh lamang. Kaya kung ikaw ay sasampalataya kay Allāh, dadalangin ako kay Allāh saka magpapagaling Siya sa iyo." Kaya sumampalataya naman siya kay Allāh saka nagpagaling sa kanya si Allāh. Pumunta siya sa hari saka naupo paharap doon kung paanong siya dati ay umuupo. Nagsabi sa kanya ang hari: "Sino ang nagsauli sa iyo ng paningin mo." Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko." Nagsabi iyon: "At mayroon kang panginoong iba pa sa akin?" Nagsabi ito: "Ang Panginoon ko at ang Panginoon mo ay si Allāh." Kaya sumunggab iyon sa kanya saka hindi iyon tumigil na nagdudulot ng pagdurusa sa kanya hanggang sa itinuro niya ang batang lalaki. Inihatid naman ang batang lalaki saka nagsabi sa kanya ang hari: "O anak ko, nakaabot nga mula sa panggagaway mo ang pangyayaring nagpapagaling ka ng bulag at ketongin, gumagawa ka nito, at gumagawa ka niyon." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi naglulunas ng isa man; naglulunas si Allāh lamang." Kaya sinunggaban siya nito saka hindi tumigil na nagdudulot ng pagdurusa sa kanya hanggang sa itinuro niya ang monghe. Inihatid naman ang monghe saka sinabi sa kanya: "Talikuan mo ang Relihiyon mo!" Umayaw naman siya kaya nagpakuha iyon ng lagare. Inilagay niyon ang lagare sa gitna ng ulo niya saka biniyak niyon ito sa pamamagitan niyan sa dalawang hati. Pagkatapos inihatid ang kaupuan ng hari saka sinabi sa kanya: "Talikuran mo an Relihiyon mo." Umayaw naman siya kaya nagpakuha iyon ng lagare. Inilagay niyon ang lagare sa gitna ng ulo niya saka biniyak niyon ito sa pamamagitan niyan sa dalawang hati. Pagkatapos inihatid ang batang lalaki saka sinabi sa kanya: "Talikuran mo ang Relihiyon mo." Umayaw naman siya. Kaya tumulak ito sa kanya sa mga lalaking kabilang sa mga tauhan nitong nasa pagitan ng tatlo at sampung katao. Nagsabi ito: "Dalhin ninyo siya sa bundok na ganito at ganito, saka magpaakyat kayo sa kanya sa bundok, saka kapag umabot kayo sa pinakaitaas niyon, kung tatalikod siya sa relihiyon niya, [ligtas siya;] at kung hindi ay ibulid ninyo siya." Nagpapunta naman sila sa kanya saka nagpaakyat sila sa kanya sa bundok. Kaya nagsabi naman ang batang lalaki: "O Allāh, magligtas Ka sa akin sa kanila sa pamamagitan ng niloob Mo." Kaya yumanig sa kanila ang bundok at gumalaw-galaw ito sa isang matinding paggalaw saka bumagsak sila. Dumating siyang naglalakad papunta sa hari. Nagsabi naman sa kanya ang hari: "Ano ang ginawa ng mga kasamahan mo?" Nagsabi siya: "Nagligtas sa akin sa kanila si Allāh." Kaya tumulak iyon sa kanya sa isang pangkat kabilang sa mga tauhan niyon saka nagsabi: "Magpapunta kayo sa kanya saka magkarga kayo sa kanya sa isang maliit na daong saka magpagitna kayo sa kanya sa dagat. Kung tatalikod siya sa relihiyon niya, [ligtas siya,] at kung hindi ay ihagis ninyo siya sa dagat." Nagpapunta naman sila sa kanya. Kaya nagsabi naman siya: "O Allāh, magligtas ka sa akin sa kanila sa pamamagitan ng niloob Mo." Kaya tumaob sa kanila ang daong saka nalunod sila. Dumating siyang naglalakad papunta sa hari. Nagsabi naman sa kanya ang hari: "Ano ang ginawa ng mga kasamahan mo?" Nagsabi siya: "Nagligtas sa akin sa kanila si Allāh." Kaya nagsabi siya sa hari: "Tunay na ikaw ay hindi makapapatay sa akin hanggang sa gawin mo ang iuutos ko sa iyo." Nagsabi iyon: "At ano iyon?" Nagsabi siya: "Magtitipon ka sa mga tao sa iisang lupang nakausli at magbibitin ka sa akin sa isang troso ng isang punong-kahoy. Pagkatapos kumuha ka ng isang palaso mula sa suksukan ng palaso ko. Pagkatapos ilagay mo ang palaso sa hawakan ng pana. Pagkatapos magsabi ka ng: 'Sa ngalan ni Allāh na Panginoon ng batang lalaki.' Pagkatapos tirahin mo ako sapagkat tunay na ikaw, kapag gumawa ka niyon, ay makapapatay sa akin." Kaya nagtipon iyon sa mga tao sa iisang lugar at nagbitin iyon sa kanya sa isang troso. Pagkatapos kumuha iyon ng isang palaso mula sa susuksukan ng palaso niya. Pagkatapos iniligay niyon ang palaso sa gitna ng pana. Pagkatapos nagsabi iyon ng: "Sa ngalan ni Allāh na Panginoon ng batang lalaki." Pagkatapos tinira siya niyon saka bumagsak ang palaso sa sintido niya sa pagitan ng mata niya at tainga niya, saka inilagay niya ang kamay niya sa sintido niya sa tinamaan ng palaso, saka namatay siya. Kaya nagsabi ang mga tao: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki! Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki! Sumampalataya kami sa Panginoon ng batang lalaki!" Kaya pinuntahan ang hari saka sinabihan: "Nakita mo ba ang dating pinangangambahan mo? Bumaba nga, sumpa man kay Allāh, ang pinangilagan mo, ang pagsunod ng mga tao sa batang lalaki at ang pananampalataya nila sa Panginoo niya nang lahatan. Kaya nag-utos iyon na maghukay ng isang dambuhalang hukay na pahaba sa sa mga pinto ng mga daan. Nagpaningas at nagpaliyab iyon ng mga apoy rito at nagsabi: "Ang sinumang hindi tumalikod sa relihiyon niya ay ibulik ninyo roon. Ginawa naman nila ang iniutos ng hari hanggang sa may dumating na isang babae at may kasama itong isang paslit nito saka tumigil-tigil ito at nanatili sa kinalalagyan nito at nasumlak sa pagpasok sa apoy kaya nagsabi sa kanya ang paslita niya: "O ina, magtiis ka sapagkat tunay na ikaw ay nasa katotohanan."

فوائد الحديث

Ang pagpapatibay sa mga himala ng mga katangkilik ni Allah. Kabilang doon ang pagkapatay ng dambuhalang hayop sa pamamagitan ng pagtira ng batang lalaki, ang pagtugon sa panalangin ng batang lalaki nang dalawang ulit, at ang pagsasalita ng batang pasusuhin.

Isang pag-aadya sa sinumang nanalig kay Allah (z).

Ang pagliinaw sa karangalan ng pagtitiis at katatagan sa Relihiyon.

Ang kasanhian sa pagpapakatuto sa simula ng buhay dahil ang kabataan sa kadalasan ay higit na mabilis sa pagsaulo kaysa sa nakababata.

Ang lakas ng pananampalataya ng batang lalaking ito at na siya ay hindi nahango palayo sa pananampalataya niya at hindi nagbagong-anyo.

Si Allah (aj) ay tumutugon sa panalangin ng nagibipit kapag dumalangin ito sa Kanya.

Ang tao ay pinapayagan na manlinlang mismo alang-alang sa isang pangkalahatang kapakanan ng mga Muslim sapagkat tunay na ang batang lalaking ito ay gumabay sa hari sa isang utos na ipampapatay niya rito at ipampapasawi niya sa sarili niya. Iyon ay na kumuha siya ng isang palaso mula sa suksukan ng palaso nito at maglagay niyon sa gitna ng pana at magsabi ng: "Sa ngala ni Allah na Panginoon ng batang lalaki."

Ang pagpayag sa pasisinungaling sa digmaan at tulad nito at sa pagsagip ng buhay mula sa kasawian.

Ang mananampalataya ay sinusulit sa katapatan ng pananampalataya niya at katatagan sa pagsabi ng totoo, kahit pa humantong sa kanya ang pagsubok sa pagkakitil sa sarili niya.

Ang pagsasakripisyo sa landas ng pag-aanyaya tungo kay Allah at pagpapanaig sa katotohanan.

Ang mga puso ng mga tao ay nasa pagitan ng mga kamay ni Allah sapagkat nagpapatnubay Siya sinumang niloloob Niya at nagpapaligaw Siya sa sinumang niloloob Niya. Napatnubayan nga ang batang lalaki samantalang siya ay nasa pagkandili ng manggagaway at pangangalaga ng haring buktot.

Ang pagpayag sa paghiling kay Allah (t) na magpakita Siya sa tao ng isang palatandaang malalaman nito sa pamamagitan niyon ang tama at matatamo para rito ang katiyakan.

Ang mga alagad ng pananampalataya ay magpapasilbi sa bawat ibinigay ni Allah sa kanila at iminagandang-loob Niya sa kanila para sa paglilingkod sa Relihiyon Niya at pag-anyaya tungo sa landasin Niya.

Ang mga kadahilanan ng kasawian ay nasa kamay ni Allah kaya kung loloobin Niya ay magpapatupad Siya ng mga ito at kung loloobin Niya ay puputol Siya sa mga ito.

Ang mga kampon ng kawalang-pananampalataya ay hindi kinukulangan ng mga katwiran at mga patunay upang sumampalataya sila. Tanging ang kadahilanan ng kawalang-pananampalataya nila ay ang pagmamatigas at ang pagmamalaki.

Ang mga nagpapakalabis-labis at ang mga tagalabag ng katarungan ay nasa kanila ang kahandaan sa pagpatay sa mga tao sa kalahatan upang manatili sila sa nasa kanila na kaginhawahan sa Mundo.

Si Allah ay magpaparusa sa mga lumabag sa katarungan kung saan hindi nila inaasahan. Sumampalataya nga ang mga tao sa Panginoon ng batang lalaki nang nakakita sila ng katatagan niya, katapatan ng pag-aanyaya niya, at kawalan ng pagkatakot niya alang-alang kay Allah sa paninisi ng isang tagasisi.

Mayroong nagsalita habang nasa duyan na iba pa sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga). Ang hadith na ito ay nagbibigay-linaw sa sabi ng Sugo ni Allah (s) na: "Walang nagsalita habang nasa duyan kundi tatlo ..." Bumanggit siya sa kanila at naglimita siya sa kanila sa mga anak ni Israel bukod sa iba pa sa kanila.

التصنيفات

Ang Pag-uugali ng mga Dā`iyah at ang mga Kinakailangan sa Kanila, Ang mga Kuwento at ang mga Kalagayan ng mga Naunang Kalipunan