إعدادات العرض
Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao
Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao
Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao. Magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila sa Araw ng Pagbangon kapag gagantihan ang mga tao sa mga gawa nila: Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay nagpapakitang-tao sa Mundo, saka tumingin kayo kung makatatagpo kaya kayo sa piling nila ng isang ganti."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá සිංහල தமிழ் ไทย دری Кыргызча or Kinyarwanda नेपाली Română Malagasy Lietuvių Oromoo Nederlands Soomaali Српски Українська ಕನ್ನಡ Wolof Moore ქართული Azərbaycan Magyar Македонскиالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang higit sa anumang pinangangambahan niya para sa Kalipunan niya ay ang Maliit na Pagtatambal. Ito ay ang pagpapakitang-tao sa pamamagitan ng paggawa dahil sa mga tao. Pagkatapos nagpabatid siya tungkol sa kaparusahan ng mga tagapagpakitang-tao sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagsabi sa kanila: "Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay gumagawa alang-alang sa kanila, saka tumingin kayo kung makapangyayari kaya sila sa paggantimpala sa inyo at pagkakaloob ng pabuya sa inyo sa gawang iyon."فوائد الحديث
Ang pagkakinakailangan ng pagpapakawagas sa gawain ukol kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ang pag-iingat laban sa pagpapakitang-tao.
Ang tindi ng pagkalunos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya, sigasig niya sa kapatnubayan nila, at pagpapayo niya sa kanila.
Kapag naging ito ang pangamba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang siya ay kumakausap sa mga Kasamahan gayong sila ay ang mga pinuno ng mga maayos na tao, ang pangamba para sa matapos nila ay higit na matindi.