{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay naglalagay ng kamay niya o ng isang tela sa bibig niya at nagpapahina, o nagbababa, sa pamamagitan nito ng tunog niyon.}

{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay naglalagay ng kamay niya o ng isang tela sa bibig niya at nagpapahina, o nagbababa, sa pamamagitan nito ng tunog niyon.}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay naglalagay ng kamay niya o ng isang tela sa bibig niya at nagpapahina, o nagbababa, sa pamamagitan nito ng tunog niyon.}

[Tumpak]

الشرح

Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay: A. Naglalagay ng kamay niya o ng isang tela sa bibig niya upang walang lumabas mula sa bibig niya o ilong niya na anumang makapeperhuwisyo sa katabi niya. B. Nagpapahina ng tunog niyon at hindi nagpapalakas nito.

فوائد الحديث

Ang paglilinaw ng patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa pagbahin at ang pagtulad sa kanya roon.

Ang pagsasakaibig-ibig ng paglalagay ng tela o tissue o tulad nito sa bibig at ilong kapag bumahin upang walang lumabas mula rito na anumang makapeperhuwisyo sa katabi.

Ang pagbababa ng tunog sa pagbahin ay hinihiling at ito ay bahagi ng kalubusan ng etiketa at kabilang sa mararangal sa mga kaasalan.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagbahin at Paghikab, Ang mga Pisikal na Paglalarawan kay Propeta Muḥammad