Ang kaasalan ng Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay ang Qur'an.

Ang kaasalan ng Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay ang Qur'an.

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang kaasalan ng Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay ang Qur'an."

[Tumpak.] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim.]

الشرح

Nangangahulugan ito na isinasaasal niya ang mga kaasalan ayon sa Qur'an. Ang anumang ipinag-utos ng Qur'an ay isinasagawa niya at ang anumang ipinagbawal ng Qur'an ay iniiwasan niya, maging iyon man ay kaugnay sa mga pagsamba kay Allah o kaugnay sa pakikitungo ng mga tao. Ang kaasalan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay ang Qur'an. Dito ay may isang pahiwatig mula sa ina ng mga Mananampalataya na si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na tayo, kapag ninais nating isaasal ang mga kaasalan ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay kailangang umasal ayon sa Qur'an dahil ito ay ang mga kaasalan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.

التصنيفات

Ang mga Paglalarawang Pangkaasalan, Ang mga Paglalarawang Pangkaasalan