إعدادات العرض
{Naliligo noon ako at ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lagayan ng tubig habang kapwa kami junub. Nag-uutos siya sa akin na magtapis ako saka kumakarinyo siya sa akin habang ako ay nagreregla
{Naliligo noon ako at ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lagayan ng tubig habang kapwa kami junub. Nag-uutos siya sa akin na magtapis ako saka kumakarinyo siya sa akin habang ako ay nagreregla
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Naliligo noon ako at ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lagayan ng tubig habang kapwa kami junub. Nag-uutos siya sa akin na magtapis ako saka kumakarinyo siya sa akin habang ako ay nagreregla. Naglalabas siya noon ng ulo niya patungo sa akin habang siya ay nagsasagawa ng i`tikāf saka naghuhugas naman ako nito samantalang ako ay nireregla.}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili සිංහල Svenska ગુજરાતી Yorùbá Tiếng Việt پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Čeština Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം Lietuvių Српски Kinyarwanda Shqip ಕನ್ನಡ Wolof Українська Moore ქართული Magyar தமிழ் Македонски Azərbaycan Malagasy Italiano Oromoo Deutsch বাংলা ไทย मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ O‘zbek ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpabatid si `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa ilan sa mga natatanging kalagayan niya kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kabilang doon na siya ay naliligo noon dahil sa janābah kasama nito (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lagyan ng tubig saka kumukuha silang dalawa mula rito ng tubig nang magkasama. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais na makipagniig sa kanya habang siya ay nagreregla, ay nag-uutos sa kanya na magtakip ng katawan niya mula sa pusod hanggang sa tuhod saka kumakarinyo ito sa kanya nang walang pagtatalik. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa masjid saka naglalabas ng ulo niya papunta kay `Ā'ishah saka naghuhugas nito habang siya ay nireregla sa bahay niya.فوائد الحديث
Ang pagpayag sa pagpaligo ng lalaki at maybahay niya sa iisang lagayan ng tubig.
Ang pagpayag sa pagkarinyo sa nireregla sa anumang hindi pagtatalik, habang ang katawan niya ay dalisay.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsusuot ng babae ng pantapis sa oras ng pagkarinyo.
Ang paggawa ng mga kaparaanang tagahadlang sa pagkasadlak sa ipinagbabawal.
Ang pagbabawal sa pananatili ng nireregla sa masjid.
Ang pagpayag sa pagsaling ng babae ng mga bagay na basa o tuyo. Kabilang doon ang paghuhugas ng buhok at pagsusuklay nito.
Ang kagandahan ng pakikitungo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mag-anak niya.
