{Pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang kasi] noong siya ay apatnapung taong gulang,

{Pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang kasi] noong siya ay apatnapung taong gulang,

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang kasi] noong siya ay apatnapung taong gulang, saka nanatili siya sa Makkah nang labintatlong taon. Pagkatapos ipinag-utos sa kanya ang paglikas kaya lumikas siya sa Madīnah, saka nanatili siya roon nang sampung taon. Pagkatapos pinapanaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpapabatid si Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na: "Ang kasi (pagsisiwalat) ay pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ipinadala noong ang edad niya ay apatnapung taon saka nanatili siya sa Makkah nang labintatlong taon matapos ng pagkasi. Pagkatapos ipinag-utos sa kanya ang paglikas sa Madīnah at nanatili siya roon nang sampung taon. Pagkatapos pinapanaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong ang edad niya ay animnapu't tatlong taon.

فوائد الحديث

Ang pagpapahalaga ng mga Kasamahan sa talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

التصنيفات

Ang Propeta Nating si Muhammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan, Ang Talambuhay ng Propeta