Ano ang ginagawa noon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa bahay niya? Nagsabi ito: Siya ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya at kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya patungo sa pagdarasal.

Ano ang ginagawa noon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa bahay niya? Nagsabi ito: Siya ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya at kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya patungo sa pagdarasal.

Ayon kay Al-Aswad bin Yazīd na nagsabi: Tinangong si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: Ano ang ginagawa noon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa bahay niya? Nagsabi ito: Siya ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya at kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya patungo sa pagdarasal.

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Bahagi ng pagpapakumbaba ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na siya noon sa bahay niya ay naglilingkod sa mag-anak niya. Ginagatasan niya ang mga tupa. Nag-aayos siya ng sandalyas. Pinaglilingkuran niya sila bahay nila. Si `Ā’ishah ay tinanong: "Ano ang ginagawa noon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Siya ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya." Ito ay bahagi ng mga kaasalan ng mga propeta at mga isinugo, sumakanila ang pangangalaga: ang pagpapakumbaba at ang pagpapakaaba sa mga gawain nila at ang paglayo sa pagpapakaluho at pagmamariwasa.

التصنيفات

Ang mga Maybahay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – at ang mga Kalagayan ng Sambahayan ng Propeta, Ang Ugnayan sa Pagitan ng Lalaki at Babae