إعدادات العرض
Hindi matitigil ang mananampalataya sa pagiging nasa isang kaluwagan mula sa Relihiyon niya hanggat hindi siya nagbuhos ng isang dugong bawal."}
Hindi matitigil ang mananampalataya sa pagiging nasa isang kaluwagan mula sa Relihiyon niya hanggat hindi siya nagbuhos ng isang dugong bawal."}
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi matitigil ang mananampalataya sa pagiging nasa isang kaluwagan mula sa Relihiyon niya hanggat hindi siya nagbuhos ng isang dugong bawal."}
الترجمة
العربية Tiếng Việt Bahasa Indonesia Nederlands Kiswahili অসমীয়া English ગુજરાતી සිංහල Magyar ქართული Hausa Română ไทย Português मराठी ភាសាខ្មែរ دری አማርኛ বাংলা Kurdî Македонскиالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mananampalataya ay hindi matitigil sa pagiging nasa isang kaluwagan at lawak ng mga gawain niyang maayos at pag-asa sa awa ni Allāh at kapatawaran Nito at paumanhin Nito hanggang sa pumatay siya ng isang taong ipinagbabawal patayin sapagkat sisikip sa kanya ang mga gawain niya dahil ang mga ito ay hindi makatutumbas sa timbang ng pagpatay at pagkakasala niyang mabigat.فوائد الحديث
Ang bigat ng pagpatay nang walang karapatan at sadyaang pagpatay sapagkat ito ay nagpapalabas sa mananampalataya mula sa kaluwagan sa Relihiyon tungo sa kasikipan.
Ang mga buhay na ipinagbabawal [patayin] ay apat na klase: 1. Ang buhay ng Muslim: ang pinakadakila sa mga ito; 2. Ang buhay ng Dhimmīy (pinangangalagaan): ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano na kinilala sa relihiyon nila sa Tahanan ng Islām sa pamamagitan ng pagbabayad ng jizyah (buwis) at pagpapatupad ng mga patakaran ng Islām sa kanila; 3. Ang buhay ng Mu`āhad (kinasunduan): ang mga Kāfir (tagatangging sumampalataya) sa mga bayan nila na sa pagitan natin at nila ay may kasunduang pangkapayapaan, na hindi tayo nakikipagdigmaan sa kanila at hindi sila nakikipagdigmaan sa atin; 4. Ang buhay ng Musta'min (nagpapakatiwasay): ang Kāfir na makadigmaan na walang namagitan sa atin at sa kanya na isang pangangalaga ni kasunduan subalit tayo ay nagbigay-katiwasayan sa kanya sa isang panahong tinakdaan, na pumapasok sa mga bayan ng mga Muslim [nang may pahintulot] mula sa nakatalaga sa pamamahala o sinumang nagtataglay niyon kabilang sa mga kinatawan ng pinuno.
التصنيفات
Ang mga Mabigat na Krimen