إعدادات العرض
Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."}
Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Hausa Kurdî Português Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Kiswahili ગુજરાતી Magyar ქართული Română ไทย తెలుగు मराठी دری አማርኛ Malagasy Македонски Українська ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag sumapit ang buwan ng Ramaḍān, nangyayari ang tatlong pangyayari: Una. Binubuksan ang mga pinto ng Paraiso sapagkat walang ipinipinid na pinto mula sa mga iyon. Ikalawa. Ipinipinid ang mga pinto ng mga Impiyerno sapagkat walang binubuksang pinto mula sa mga iyon. Ikatlo. Tinatalian ang mga demonyo at ang mga tagapaghimagsik na jinn ng mga tanikala kaya hindi sila makaaabot sa naaabot nila dati sa hindi Ramaḍān. Ang lahat ng iyon ay isang pagdakila sa buwang ito at isang pagpapaibig sa mga tagagawa ng karamihan ng mga pagtalima gaya ng ṣalāh, kawanggawa, dhikr, pagbigkas ng Qur'ān, at iba pa rito, at ng paglayo sa mga pagkakasala at mga pagsuway.فوائد الحديث
Ang Kainaman ng Buwan ng Ramaḍān
Isang nakagagalak na balita para sa mga tagapag-ayuno rito dahil ang pinagpalang buwang ito ay panahon ng pagsamba at kabutihan.
Sa paggapos sa mga demonyo sa Ramaḍān ay may pahiwatig sa pagpawi ng maidadahilan sa naatangan ng tungkulin. Para bang siya ay sinasabihan: Pinigilan na ang mga demonyo sa iyo kaya huwag kang magdahi-dahilan sa pamamagitan nila sa pagwaksi ng pagtalima ni sa paggawa ng pagsuway.
Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Kaya kung sinabi: "Papaano nating makikita ang mga kasamaan at ang mga pagsuway na nagaganap sa Ramaḍān nang madalas sapagkat kung sakaling iginapos ang mga demonyo, hindi mangyayari iyon?" Ang sagot: Tunay na ang mga ito ay nangangaunti lamang sa mga tagapag-ayuno ng pag-ayuno na pinangalagaan ang mga kundisyon nito at isinaalang-alang ang mga etiketa nito. O ang iginapos ay ang ilan sa mga demonyo, ang mga mapaghimagsik, hindi lahat sila gaya ng nailahad sa ilan sa mga salaysay. O ang tinutukoy ay ang pagpapakaunti ng mga kasamaan dito. Ito ay pangyayaring nadarama sapagkat tunay na ang pagkapangyari niyon sa [buwang] ito ay higit na kaunti kaysa sa iba. Ito ay yayamang hindi naman naoobliga sa pagkagapos sa lahat sa kanila na walang maganap na isang kasamaan o isang pagsuway dahil iyon ay may mga kadahilanang hindi sanhi ng mga demonyo, gaya ng mga kaluluwang karima-rimarim, mga kinahiratiang pangit, at mga demonyong tao.
التصنيفات
Ang Kalamangan ng Pag-aayuno